15

246 8 12
                                    

Adira's POV:

Napabalikwas ako mula sa pagkakahiga. Hinawakan ko ang aking dibdib at pinakaradam ang tibok nito.

Hindi ko maalala ang lahat ng nangyari sa aking panaganip bukod sa naaninag na bulto ng isang lalaki. Ipinikit ko ang mga mata ko at pinilit iyong maalala, ngunit hindi ko rin nagawa sa huli.

Wala sa sariling napatingin ako sa kwintas na nakalapag lamang sa tabi ko at itinaas ito upang pagmasdan.

Puros pinagtagping perlas at may kulay light blue na kabibe sa gitna. Para nga itong kwintas ng sirena dahil naalala kong may napanuod ako dati na may hawig sa ganitong kwintas.

Ang nakakapagbagabag lamang sa akin ay ang dahilan kung bakit nasa akin ito ngayon. Anong gagawin ko rito? Hindi ko pa rin alam.

"Adira!" Marahas akong napagalaw mula sa aking higaan dahil sa sunod-sunod na katok sa pinto. Hindi pa man ako nakakababa ay bumukas na ito at niluwa ang magkapatid na fariya.

"Bakit?" Huminga muna nang malalim si Gevne bago nagsalita.

"H-hinahanap ka ng prinsipe." Napakunot na lamang noo ko. Hinahanap ako? Bakit? Akala ko ba ay pupunta siya rito?

"Bakit naman?"

"Hindi niya sinabi ang dahilan. Binanggit lamang niya na hindi siya makakapunta at mas mabuti pang ikaw na lamang ang pumunta sa kanya." Hindi na ako nagtanong pa at tumayo. Lumapit muna ako sa salamin at tiningnan ang aking kabuoan bago humarap sa magkapatid.

"Halik—"

"Sandali!" Nagulat ako sa biglang pagtaas ng kamay ni Gevne kasabay ng kanyang pagsigaw, ang isa naman niyang kamay ay nasa kanyang dibdib at tila hingal na hingal pa.

"Sinabi ko na sa iyo na huwag kang masyadong tumakbo, " litanya ni Gene sa tabi niya na bakas din ang kapagudan, ngunit mas nangangababaw nga lang ang kay Gevne na parang tinakbo niya ang buong kaharian.

Bubuka pa lang ang bibig ko para magsalita nang marahan akong tinulak ni Gevne at pumasok sa kwarto ko. Yumukod siya sa harap ko bago tumalikod at pinuntahan ang aking munting higaan. Paulit-ulit na huminga nang malalim na parang dinadama ito. Napa-awang na naman ang bibig ni Gene sa inasta ng kapatid. Maya-maya'y sumunod kay Gevne at pumasok din sa loob.

"Patawad, prinsesa. Mamaya ko na tatanggapin ang aking magiging parusa. Ngunit, mapapahintulutan mo ba kaming yapusin ang iyong higaan?" Tamad na tamad na tanong ni Gene habang itinataas-baba ang kanyang kamay na hindi ko maintindihan.

Sumagi sa isip ko ang pagsagot ng pilosopo sa kanila, kaso ay mukhang pagod sila kakatakbo.

"Oo nga. Grabe, Adira. Nakakapagod tumakbo mula kay prinsipe hanggang dito! Napagod ako ng sobra," ani naman ni Gevne at yinakap pa ang kama ko.

Sino ba kasing nagsabing iwanan ako sa aking kwarto? Nagtanong lamang ako sa kanya kanina kung anong mayroon sa kwintas na binigay ng prinsipe, ngunit bigla na lang siyang umalis. Akala ko ba ay pina-pabantay ako sa kanya ng prinsipe?

"Sutil ka, hindi nakikinig sa mga utos. 'Yan tuloy at pinagalitan ka. Pasalamat ka' t salita lamang ang natatanggap mo." Pangaral naman ng kanyang kakambal na siyang nagsimula ng kanilang bangayan.

Napahinga na lamang ako nang maluwag at saka lumapit sa salamin. Inilabas ko ang kwintas tsaka sinuot ito sa aking leeg. "Ang ganda." Nakakahalina siyang tingnan, at sa aking pagsuot ay tila may nanalaytay na kakaibang enerhiya sa aking katawan.

Napansin ko naman ang pag tahimik ng dalawa pagkatapos ko iyong sabihin. Lumingon ako sa kanila at tamang pagkalingon ko ay nakatingin sila sa akin. "May problema ba?" Parehas silang umiling.

Taken By An EngkantoWhere stories live. Discover now