21

87 5 3
                                    

Adira's POV:

"Adira, may bumabagabag ba sa iyo?" Nawala ang aking atensyon sa aming dinadaanan.

Kasulukuyan na kaming pabalik sa bayan ng Trinio na ngayon ay abala pa rin sa paghahanda.

Huminto ako at linibot ang tingin sa paligid. Naririto pa lang kami sa gubat, kung saan ako nawala.

Kagat labi kong tiningala ang prinsipe. Hanggang ngayon ay hindi pa rin ako makapaniwala.

"Prinsipe—"

"Gavino, aking Adira." Huminto rin siya katulad ko at hinarap ako. "Pinapahintulutan kitang tawagin ako sa aking pangalan. Prinsipe man ako sa mundong ito, may karapatan pa rin ang iilang nilalang na tawagin ako sa aking pangalan. Isa ka roon." Hindi ko na namalayang awang na ang bibig ko sa salitang lumabas sa kanyang bibig. "Sa ganitong sandali na tayong dalawa lamang ay hindi natin kinakailangan ng titulo... aking Adira."

Kumurba muli ang kanyang labi na mabilis ding nawala. Napatigil ako sa paggalaw nang hingin niya ang aking kamay. Ito na naman ang yumayakap na lamig sa akin. Bakit ako kinakabahan? "Gavino," usal ko sa kanyang ngalan. "Sige." Gumalaw na naman ang kanyang tainga. Nadala ako sa aksyong iyon kung kaya't muntik ko nang makalimutan ang balak kong sabihin.

"Gavino, may gusto akong hilingin."

"Ano iyon?" Hindi ako kaagad sumagot. Mas pinakatitigan kong mabuti ang kanyang mga mata.

"Pwede mo ba siyang tawagin?"

"Sino?"

"Yung alaga mong ibon," sagot ko. Saglit na sumilay ang pagtataka sa kanyang mukha na agad ding nawala.

"Ang aking Elestiya?" Tumango ako. "Anong nais mo sa kanya?" Napatigil ako ng ilang segundo.

"Gusto... gusto ko lang makita. Ang ganda kasi," dahilan ko. Ginawaran niya ako ng titig na nagtagal pa bago gumalaw ang kanyang labi. Nasa akin ang kanyang atensyon habang sinisimulan ang pagsipol.

Ilang sandali pa ay naramdaman ko na ang kakaibang pagaspas ng hangin. Hinawakan ako ng prinsipe upang hindi ako matumba sa aking pagkakatayo.

Nagsimula nang pumula ang mga mata niya. Hindi ko inalis ang tingin ko sa mga matang iyon hanggang sa unti-unti na itong naglalaho, kasabay nang paglakas ng tunog sa hangin.

Nandiyan na ang alaga niya. Sumilay ang ngiti sa labi ko nang makita itong tumigil sa kanyang balikat, at katulad ng prinsipe ay mataman ding nakatingin sa akin. Nandoon pa rin ang talim sa tingin ng ibon.

"Napakaganda..." Hindi pa rin mawawala ang mangha sa aking mukha habang nakatingin sa ibon. Katulad ng una kong kita ay kasing tingkad pa rin ng balahibo nito ang alon ng dagat. Kasing kulay pa rin ng mga mata nito ang alab ng bulkan.

Nanlaki ang aking mga mata nang sandaling haplusin ng prinsipe ang ulo ng ibon. Mukhang napakalambot ng balahibo nito.

"Aking Adira?" Itinaas niya ang aking kamay at hindi ko alam kung bakit niya iyon ginawa. "Ibig mo ba siyang hawakan?"

Hindi ako nakapagsalita kaagad. Nagtatalo pa ang isip ko kung gusto ko ba o hindi, pero sa huli ay napili kong tumango. "P-pwede ba?" Nalipat ang atensyon ko sa ibon. Gumalaw ito habang nasa balikat ng prinsipe at pinagaspas ang kanyang balahibo.

Parang ayaw.

Tiningnan lamang ng prinsipe ang kanyang alaga. Humiyaw ang ibon pero umalis din sa balikat ng prinsipe. Lumipad-lipad ito sa gilid namin habang hindi ko na alam kung anong nakikita sa akin ni prinsipe Gavino ngayon.

"Pumapayag siya, aking Adira." Napakurap ako. Tiningnan ko muli ang ibon at binalik din sa kanya.

"S-sigurado ka?" Mukhang ayaw naman ng ibon. Ang talim ng tingin nito sa 'kin.

Taken By An EngkantoWhere stories live. Discover now