Kabanata 3

26.4K 691 247
                                    

Hues After The Rivalry

Kabanata 3


"You know I love you from the very start. I don't care if you break my heart. I'm the man and I'm here for you. Believe me 'cause my love is true!"

"Eyyy!" Hiyawan namin at itinaas ang mga shot glass. Nakatayo kaming lahat habang sumasayaw-sayaw.

"Itsumo kokoro we hoshi itsuka. Dare kato mata koi nei utchitimo..." Feel na feel ni Jam ang kinakanta niya. Nagdu-duet sila ni Eris. May papikit-pikit pa nga.

"Baby girl, be my first lady. Be the mom of my first baby," hyped na hyped sa pagkakanta si Eris habang ginigilingan si Jam kaya nabuga ko ang iniinom na beer.

Naghagalpakan kami ng tawa. Pareho na kaming may mga tama. Inisa-isa na ang ikot ng paningin ko pero kaya ko pa namang maglakad nang tuwid, basta isa-isang hakbang lang.

"Gosh! Ang init na! Full na ang temperature ng aircon!" problemadong sabi ni Lava at pinukpok bigla ang nakatayong aircon sa gilid. "Go! More! Lakas pa! Alam kong may ibubuga ka pa! Hindi pwedeng wala!"

"Huy, Lava! Lakas ng tama mo diyan!" Tumatawang sabi ni Sovan na namumula na rin.

Sunod na nagsalang ng kanta ay si Sabel na isang beses nang sumuka kanina. Dumagundong muli ang lakas ng speaker dahil Lord Patawad ang kakantahin niya. Paboritong-paborito talaga niyang kantahin 'yan. Hindi ko alam pero nape-perfect niya 'yung mabilis na rap sa dulo kapag lasing na siya.

My head spun. Pinikit ko ang mga mata at nang dumilat ay inalog ko ang ulo.

Kumuha ako ng tubig sa ref. Hindi ko akalain na malalasing kami. Ako. Lalo na. Pagod ako kaya ang bilis kong tinamaan. Isama mo pang sobrang baba ng tolerance ko sa alcohol.

"Let's sober. Para hindi sumakit ulo natin bukas sa klase. Para kasi kayong bobo e. Sabi ko tig-dalawang San Mig lang tayo." Nilapag ko ang malamig na tubig sa center table.

"Ang sakit ng ulo ko, mima, shutangina," napatid si Jam sa kung saan dahilan nang pagkakauntog ng noo niya sa mesa. Buti na lang at bahagyang nasalo ni Sovan ang ulo niya at hindi dumulas sa may kanto.

Hindi na rin nakayanan ni Sabel at itinigil na ang kanta para makihalo sa amin. Binigyan ko sila ng tig-iisang baso ng malamig na tubig.

Kumilos si Eris para ligpitin ang mga gumulong na bote na kanina ay nakatayo sa gilid. Ang kalat-kalat!

"Oh pahiran mo ng ulo mo ng Vicks," inabutan ni Lava ng Vicks rub si Jam.

We're sobering up. Namimintig ang mga balitok ko sa ulo. Tumabi ako kay Jam sa lapag habang umiinom ng orange juice. Sabel rushed off to the bathroom to vomit. Sinundan siya ni Eris.

"Inom pa, sige!"

Dumuko ako sa magkabilaang tuhod. Nagkwentuhan na lang muna kami nang bumalik ang dalawa.

"Hindi ko alam pero crush na crush ko talaga si Theus. May something sa kaniya. I swear. Nung nagpunta tayo sa Thumbs Toast last week, na love at first sight ako," lango-langong pagkukwento ni Jam tungkol sa lalaking na-meet namin sa Thumbs Toast noong nakaraan pa. "Kaso may nililigawan nga raw? E ano namang pake ko? Nililigawan niya pa lang naman? Hindi pa naman sila."

Kung hindi lang kami magka-humor at magkaibigan ni Jam, iisipin ko agad na hindi niya nirerespeto 'yung crush niya at ang nililigawang babae. Kabisado ko na mga pananalita niyan.

"May nililigawan, edi may gusto," sabi ni Lava na mag-isang nakahiga sa sofa, singhot-singhot ang Vicks vapor rub.

"Happy crush lang naman!"

Hues After The Rivalry (Achievers Series #1)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon