Kabanata 7

21.4K 489 183
                                    

Hues After The Rivalry

Kabanata 7


May surprise quiz kami sa mathematics. Buti na lang dala ko ang scientific calculator ko dahil hindi kami pinayagan ng prof na gumamit ng calcu sa phone.

Wala namang problema sa akin ang computation dahil kabisado ko ang lahat ng methods na tinuro. Hindi na rin kami nagkopyahang anim dahil alam na rin nila kung anong gagawin sa sampung problems na binigay ng prof. Bantay-sarado rin kami ng professor kaya hindi rin talaga kami makakapagkopyahan.

Ako ang unang natapos. Hiniram naman ni Sovan ang calculator ko kasi hindi gumagana 'yung pindutan ng equal niya.

I passed my pad paper and went back to my seat. Kinuha ko ang pandesal sa bag na may palamang bacon at hotdogs para kumain. Medyo natuyo ang utak ko sa quiz.

"Yabang naman," sabi ni Eris na katabi ko. "Bilis natapos, ah."

"Ano pa bang aasahan mo sa gaya ko?" Mayabang kong sabi at kumagat sa pandesal.

Ngumisi si Eris at nagpatuloy sa sagot. "Tirhan mo 'ko ng tinapay mo, Rai."

"Ano munang english ng 'pang-ilan ka sa magkakapatid?'"

Mayabang siyang ngumisi. "'Wag mo 'kong sinusubukan, Almendarez."

"Uubusin ko 'to."

Natapos siya sa pagso-solve sa isang problem at mayabang akong nilingon.

"Among your siblings, what's your order?"

Hindi ko napigilan ang matawa at parang sumabit pa ata sa lalamunan ko ang nginunguyang tinapay.

"Ms. Almendarez! May nagsasagot pa na mga kaklase mo!"

Natigil ako sa pagtawa at napaayos ng upo. Tinago ko ang tinapay na kinakain sa ilalim ng armchair.

"Sorry po, Sir." Napapahiyang sabi ko dahil nakatingin ang iba kong mga kaklase sa akin.

"Lumabas ka," ani Prof. Mathematics. "Lahat ng tapos, lumabas muna."

Inasar pa ako ng lima kong kaibigan. Lumabas na lang ako kasama ang mga kaklase kong tapos na.

"Tawa kasi nang tawa ampotek!" Sabi ni Josh at tumabi sa akin sa railings ng corridor para tumambay muna sa labas ng classroom.

Natawa ako ulit. "Nakakatawa kasi si Eris e. Ikaw nga, Josh. Ano'ng english ng 'pang-ilan ka sa magkakapatid?'"

"'Di ko rin alam e!" Halakhak niya.

Nakipagdaldalan na lang ako sa mga kaklase kong tapos na sa quiz. Pinagpagan ko ang lapag para umupo. Gumaya naman ang iba kong kaklase at umupo rin. Hile-hilera kaming tumambay.

"Pahingi nga! Ang bango naman ng bacon mo!"

Binigyan ko ng isang pirasong pandesal ang nanghihinging si Raymond.

"Ako rin, Rai!"

"Pahingi rin ako!"

"Mga buraot amputiks!" Sabi ko pero isa-isa pa rin silang binibigyan ng baon kong tinapay.

Mga tropa ko naman lahat ng kaklase kong lalaki kaya close kami sa isa't-isa at walang ilangan. Alam din nila kung ano ang pagkatao ko kahit itong si Raymond, alam kong may crush sa akin. Wala naman sa akin 'yon dahil mababait naman sila at hindi plastik.

Aliw kakwentuhan ang lima kaya tawang-tawa kami.

"Naririnig pa rin ang tawanan niyo sa loob!" biglang lumabas ang prof namin kaya natigil kami sa katatawa. "Almendarez, 'yang bibig mo wala na bang ipepreno?"

Hues After The Rivalry (Achievers Series #1)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon