Kabanata 15

20.3K 483 178
                                    

Hues After The Rivalry

Kabanata 15


"Nagseselos na 'ko,"

Huminga ako nang malalim.

"Rai, nagseselos na 'ko," ulit ni Eris habang tinitingnan ang isang malaking box na naglalaman ng mga bulaklak at tsokolate galing sa manliligaw ko.

"Syempre, 'di mo afford 'yan," pambabara sa kaniya ni Sabel.

Sinamaan niya ng tingin si Sabel at hinampas ng tsokolate sa ulo. Sunod ay nagrambulan na sila.

"Wow! This is expensive!" Nanlalaki ang mga mata ni Lava habang sinusuri ang Charles and Keith bag.

"Sa'yo na 'yan," tinatamad na sabi ko. "Masiyadong pambabae."

"Sure ka?"

Tumango ako habang walang amor na nanonood ng palabas. Weekend, biglang umulan. Hindi kami makapaglaro sa labas. Gusto ko sana kaso nag-iinarte si Sov at Eris dahil daw madulas at baka raw mabagok sila. Pwede namang magpaa!

"Rai, omg ka! May love letter!" winangayway ni Sab ang papel na de glitters. "Basahin ko?"

"Bahala kayo kung ano trip niyo."

Nakaupo kami ni Lav, Sov, at ako sa sofa. Habang 'yung tatlo, nasa sahig at pinagpipyestahan ang regalo sa akin. We're in Eris' house. Tulog naman si Celeng sa loob ng kuwarto.

"Hi, Rai, first of all, I just want you to know that I admire you so much," ani Sab. "Pucha english. I really admire you. Ang galing mong maglaro. You're a good athlete. Sinusubaybayan kita tuwing naglalaro ka at kapag may oras ako. You look beauti-"

Biglang hinablot ni Eris 'yung papel. "Ang corny! Wala na bang bago? Ganito na lang palagi mga sinasabi ng manliligaw ni Rai e! Babaduy! As if naman papatol si Rai sa mga bugok na 'to!"

"Tangina mo, Eris, feeling jowa ka naman," tumatawang sabi ni Sov sa tabi ko.

"Aba syempre! Maraming gago ngayon at magaling lang sa una! 'Yung iba diyan, bubuntisin lang kayo!"

Biglang lumabas si Tita Celine mula sa isang kuwarto habang nagkakabit ng hikaw.

"Eris, mas malakas pa sa kulog 'yang bunganga mo. Ano na naman pinuputok ng buchi mo?"

Nagtawanan kami. Nilukot ni Eris ang love letter at hinagis pabalik sa box.

"Nagseselos daw siya sa manliligaw ni Rai, Tita," tumatawang sabi ni Jam. "Feeling."

Tumingin sa akin si Tita Celine at tumingin ulit kay Eris. "Bakit? Papatol ba si Rai sa'yo?"

"Mukha bang hindi, Ma? Syempre! Pakitaan ko lang ng abs 'yan, maglalaway na 'yan!"

Fuck you, Eris!

"Si Rai papatol sa'yo? Posible ko pang mabilang mga butil meron ang isang sakong bigas." Sabi ni Tita na malakas naming ikinatawa.

Mabilis na tumayo si Eris at pabirong sinugod ang Mama niya. Nagpaalam na si Tita na aalis para sa trabaho. Tumayo na rin si Sovan dahil siya ang maghahatid gamit ang kaniyang sasakyan. Umalis silang tatlo. Bahagyang natahimik ang bahay nang naiwan kaming mga babae.

"Grabe, out of nowhere, biglang umulan?"

"Sobrang init din kasi kanina,"

"Let's watch some news. Rai, hand me the remote, please."

Inabot ko kay Lava ang remote. Kumuha ako ng unan at humiga. I put my feet on Lav's thighs and hugged the pillow. Lumabas ang balita nang matapatan ni Lav ang tamang channel.

Hues After The Rivalry (Achievers Series #1)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon