Kabanata 34

22.8K 586 687
                                    

Hues After The Rivalry

Kabanata 34


Mahiwaga kung tingnan ako ng lima habang kumakain kami sa isawan.

"Ano?!" sigaw ko sa kanila. "May tae ba sa mukha ko?!"

"Hindi mo kinukwento sa'min kung bakit mo sinundo si Rue nung isang gabi, pokpok ka!" halos isaksak sa akin ni Jam ang stick niya. "May something ba sainyo?!"

"Mukha bang papatol si Rai sa lalaki?!" Ang lala ng gusot sa buong mukha ni Eris. "Syempre, sinundo niya 'yung tao dahil may tama na kami, walang magda-drive sa kaniya pag-uwi! Nagmamagandang loob lang si Rai kasi kaibigan natin 'yon! Ang papangit niyo mag-isip!"

"Selos ampota," tumatawang sabi ni Sov. "Kalma, pre, 'di ka jowa. Kahit maglupasay ka pa diyan, wala kang karapatan."

Patagilid akong tiningnan ni Eris, masama ang tingin. Sabay siyang binatukan ni Jam at Sabel. Patagilid naman akong natawa.

Nahagip ko ang isang itim na sasakyan hindi kalayuan. Tumingin ako sa lima at nagsimulang maghanap ng tiyempo para makaalis. Nang hindi na nila ako napapansin, unti-unti akong naglakad palayo at nakisabay sa mga estudyante.

"Hi, pre!" hagikhik ko nang tagumpay makapasok sa sasakyan ni Rue na naghihintay. "Ang inet!"

"You're still full of energy even after class, huh," he chuckled and extended his body to reach me. Hinalikan niya ako sa labi. "Miss you."

"Bango natin ngayon, ah?" Puna ko nang maamoy na sobrang bango niya.

"Do I look good?"

"Always."

He was wearing a black t-shirt, dark blue denim pants, and white sneakers. Sabi ko ay 'wag siyang magsuot ng pormal, gusto ko casual lang.

It's an early dismissal this Wednesday. We'll have lunch at our house today, Mama and Papa are there. Suot ko pa ang chef uniform pero mukhang hindi na ako magpapalit dahil ipapakilala ko agad si Rue kay Mama at Papa bilang boyfriend ko pagdating namin doon. Hindi na ako makapaghintay!

"Kinakabahan ka ba?" tanong ko kay Rue habang nagbabalat ng saging, tira sa baon ko kanina.

"A bit. But I'm more excited," he licked his lip. "Magugustuhan kaya nila ako?"

"Feeling ko hindi."

He glared at me. Kumagat ako sa saging at pinagtawanan siya.

"Malamang, bulingag. Tinanong mo pa talaga? Halos ampunin ka na nga ni Mama. Gusto mo do'n ka na lang tumira."

"Pwede."

"Biro lang, patola ka naman. Mamaya mauwi pa tayo sa sex habang nagba-basketball."

I immediately regretted saying that. Natigil si Rue sa bigla. Ako naman, nagbilang ng mga puno sa daan.

"Ang dami pa lang puno dito, noh? Salamat sa mga nagtanim, ang babait nila," parang gago kong sabi.

I heard Rue smirk. "Do you want to make love?"

Nagkunwari akong walang narinig.

"Sabihin mo lang, pagbibigyan kita agad."

Por Dios por santo, Ama ng sanlibutan.

Inakbayan ako ni Rue nang pumasok kami sa gate ng bahay. Wala akong nararamdamang kaba, excitement lang. Excited ako sa magiging reaksyon ni Mama at Papa!

"Katatapos lang nila magluto ng lunch," sabi ko nang basahin ang text ni Mama. "Nagtataka siya kaninang umaga kung bakit nag-request akong magluto siya para sa lunch."

Hues After The Rivalry (Achievers Series #1)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon