Kabanata 25

20.7K 428 303
                                    

Hues After The Rivalry

Kabanata 25


"Nak ng-"

"Oh my god, Rai!"

"Tagal kong hinintay na magpaganiyan ka ulit! Mas bagay talaga sa'yo ang ganiyan!"

"Damn, Almendarez! You look hot!"

Maasim kong tiningnan ang lima kong OA na kaibigan. Niyakag pa nila ako kanina pagpasok sa pintuan at niluhuran na parang mga kulto.

"OA niyo,"

"Napopogian lang ako sa'yo! Aamin na 'ko, mas gwapo ka talaga sa'kin kapag naka-wolfcut ka. Pa-kiss nga!"

Pinakyuhan ko na si Eris bago pa siya makalapit sa akin. Umupo ako sa dulo malapit sa bintana at nilambitin ang bag ko sa kaharap na upuan.

"Bakit mo naisipan magpagupit?" intriga ni Sab. "Ganda mo, Rai! Pinagtitinginan ka nila kanina do'n sa labas pati mga taga-kabilang school na nandito!"

"OA niyo nakakainis," sabi ko at sinuklay palikod ang buhok ko. Naghiyawan naman agad sila na parang gago.

"Feeling main character ka na ba?" asar ni Eris. "Tandaan mo, side character ka lang."

Binatukan siya ni Jam. "Dami mong alam!"

Halos dalawang linggo akong absent dahil sa injury ko. Nakakabadtrip nga dahil naghahabol ako ngayon ng mga pinagawa ng professors last week.

"But seriously, why did you get a haircut?"

Inaantok kong tiningnan si Lav. "Trip ko lang."

Sa sobrang boring ba naman habang nagpapagaling ako sa Fairview, kung ano-ano na ginawa ko. Nagpalit ng sapin ng mga upuan, nag-bake ng cake at pandesal, nagbomba ng bike at bola, nagpintura ng mini court sa bahay, at napagtripan ko ring gupitan ang buhok ko. Ayon, palpak, sa salon ang bagsak.

Balak ko sanang ipa-pixie cut na lang, pero naalala kong nagpa-wolfcut ako noong first-year college at bumagay naman sa akin. Bagay pa rin hanggang ngayon. Mukha akong hindi stressed.

"May bago nga pala tayong nadagdag na subject. Kaka-announce lang kahapon," imporma sa akin ni Sab. "Hays, dagdag stress. Nakakaumay."

"Bakit ano bang nadagdag?" tanong ko.

"Multidisciplinary about public health. For two months. Ka-merge natin mga fourth-year medical students."

My ears perked up.

"Med-Tech? Mga BS Biology students? O 'yung iba?"

"Walang sinabi pero baka nasa isang section sila."

Tumango ako at napaisip.

Posible kayang malagay sa amin sina Rue? Baka maging ka-merge namin sila? Maraming medical students ang nag-aaral dito, kaya baka maliit ang tsansang sa amin sila ma-merge. Kung hindi, malamang sa ibang culinary section.

Patok ang corn cheese ni Rue sa Mantizmo. Hindi na rin nagtatampo sa akin si Mama. While I was recovering in Fairview, I had to resist the urge to go to Mantizmo at night. Mama said Rue eats dinner there, and she told me I should thank him too. Ayoko nga.

Oo, hindi na kami magkaibigan ni Rue. At dapat, pakisamahang-tao ko siya. But I think it's better not to engage with him. I don't want to get involved with him at all. I also remember he said in Palawan that he didn't want friendship from me. So it's better not to.

"Endorser pala ng skincare products girlfriend ni Rue, noh?"

Kumakain kami sa canteen at ang tatlong babae sa grupo, nang-i-stalk ng kung sino-sino. Gawain nila 'yan kapag mga busog na e.

Hues After The Rivalry (Achievers Series #1)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon