Kabanata 10

22.7K 656 431
                                    

Hues After The Rivalry

Kabanata 10


"Kababaeng tao nakikipaghalikan sa babae ampota."

Hindi ko pinansin ang narinig ko.

"Laki ng kasalanan niyan sa Diyos. Babae sa babae. Kadiri tangina."

Hindi ko nilingon ang mga pukinginang schoolmates ko.

"Kung matino ka, papatol ka ba sa kauri mo? Kaabnormalan."

Kinuha ko kay Manong ang binili kong taho. Nagbayad ako ng bente.

"Ikaw ba sinasabihan ng mga 'yon?" biglang tanong ni Manong at saglit na nilingon ang tatlong lalaki. "Sa'yo nakatingin e. Ikaw yata ang pinapasaringan."

Tumawa ako. "'Yaan mo 'yon, Nong. Wala akong pakialam sa mga gano'n."

Matapos makuha ang sukli ay pumasok na ako sa gate ng university. Pagpasok ko, parang inaabangan pa yata ako ng grupo ng mga ulupong na nagpaparinig sa akin kanina sa labas.

Dumiretso lang ako ng lakad at hindi sila pinansin.

"Sexy pa naman kaso tomboy!" pagpaparinig ng isa. "Sarap pa naman tirahin, oh."

Umagang-umaga, ayokong makipagsuntukan.

Binilisan ko na lang ang lakad ko habang humihigop sa taho ko. Ramdam kong nakasunod pa rin sila sa akin dahil nauuna ang anino nila sa anino ko sa harap.

Paano ba nakapasok 'yang mga 'yan dito? Papangit ng mga ugali. Sayang tuition.

"Nakita mong may kahalikan sa bar 'yan, 'diba?"

"Oo, pre. Sexy din nung kahalikan! Sarap nilang tirahin nang sabay e!"

"Bisexual daw 'yung Ryhs alam ko e. Etong Rai na 'to alam ko tomboy talaga," sabi nung isa.

Mariin akong napapikit habang nandidilim ang paningin. Inagahan ko ang pasok dahil may gagawin akong assignment sa room. 'Yung lima, for sure mga tulog pa dahil mamaya pang alas nuebe ang klase ngayong araw. Sinipag lang din talaga ako pumasok ng maaga ngayong araw. Tapos umagang-umaga, may sumisira ng araw ko.

"Salot 'yan sa lipunan kahit mayaman."

Mukhang mga senior high school 'tong mga 'to dahil iba ang kulay ng uniform nila. Hindi naman ako palapatol kaya hinahayaan ko na lang kahit mga offensive na pinagsasasabi. Wala naman akong mapapala sa mga gago na 'yan.

"Hello, Rai!" Bigla akong inakbayan ng isa.

Siniko ko agad ang dibdib niya sa inis dahilan nang pagkakatapon ng taho sa uniform ko.

"Tarantado kang tangina ka!" galit kong sigaw at hinampas sa pagmumukha niya ang cup ng taho. "Bastos mo pucha!"

Sumabog ang taho at natalsikan din ako. Kinuwelyuhan ko siya para sana sapakin pero inawat na kami ng dalawa niyang kasama.

"Uy, Dict, pre! 'Wag mong patulan babae 'yan! Nang-aasar lang naman tayo e!"

Inilayo ako ng isang kasamahan nilang lalaki para hindi kami magkagirian ulit ng umakbay sa akin. Nanggigigil ako at gusto ko silang isakong tatlo at balibagin kung kaya ko lang.

"Anong nangyayari?!" May lumapit na propesor. Nagkalat na rin ang mga estudyanteng nanonood.

Sinubukan kong pagpagan ang uniform ko pero dikit na dikit na ang mantsa. Regular uniform ang suot ko ngayon kaya kitang-kita ang dumi sa puting tela!

"Yabang ng tomboy, Ma'am, e!"

"Sina Benedict 'yan, Ma'am! Inambahan nila si Rai nakita ko po! Mga bully talaga 'yang mga seniors na 'yan!" May sumigaw na isa.

Hues After The Rivalry (Achievers Series #1)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon