Pahinga

548 5 2
                                    


Pagod na akong masaktan,
Pero ganon parin ang nararamdaman
Alam ko namang malabo
Sinusubukan parin kahit ika'y malayo

Ikaw ang pahiga ko
Mula sa mahabang pag- takbo ko
Kahit ilang milya pa ang layo
Makapagpahinga lang sa bisig mo

Ako'y hinihingal mula sa pagtakbo
Araw-araw ka na lang kasing lumalayo
Ayaw mo na atang masaksihan ako
Gusto ko lang naman malaman mo ikaw
ang pahinga ko

Pero dahil pagod na talaga ako,
Sisilong muna sa lilim ng puno
Pero tatakbong muli ako,
Nang maabotan ko ang bilis mo.

Ang bilis mo,
Maari ka bang huminto?
Sandali lang naman para sabay tayo,
Sabay na marating ang dulo.

Mga Tula Where stories live. Discover now