minuto

335 5 0
                                    

nakahiga sa ibabaw ng kama
iniisip kung kailan ka makakasama
puso ay nanabik na sa iyo
nais maranasan muli ang mga titig mo

bawat minuto iniisip ka
sa aking puso,lagi kang naaalala
minuto pa lang ang lumipas pero ako'y nananabik na
sa mga yakap mo,at titig mong nakakasaya

ano ang iyong ginamit na gayuma?
para naman di lang ako nag-iisa
gusto ko rin isipin mo ko kapag ika'y mag-isa
o di kaya'y minu-minuto na

sa bawat minuto
lumalalim lalo ng husto
itong nadarama ko
sana ganoon din sa'iyo.

Mga Tula Where stories live. Discover now