unan

128 0 0
                                    

bagay na palaging nandyan,
kapag bumibugat ang akin nararamdaman.
unan na palagi kong karamay,
at palagi akong sinasamahan.

sa unan ko inilalabas, ikinukwento,
lahat ng hinanakit at mapanakit ba tao.
ang unan ang naging sandalan ko,
dahil walang taong nais maging iyakan ko.

namumugto na ang aking mga mata,
unan ko ay basang-basa na.
pero hindi man lang ako nito hinusgahan,
sana maging tao ka na lang.

Mga Tula Where stories live. Discover now