lubid

94 1 0
                                    

sa isang madilim na silid,
naroon sa sulok ang isang lubid.
inihanda para tapusin,
ang sakit na di na kayang indahin.

kaagad na itinali sa leeg at hinigpitan,
at unti-unti sa wakas malapit na ang katapusan.
nais na niyang magpahinga,
pagod na siyang sabihing siya'y masaya.

pagod na magpanggap na ayos lang,
sapagkat wala naman talagang may pakealam.
lubid ang nahanap na kasagutan,
kasabay ng ihip ng hangin ang pagkatapos ng kahirapan.

Mga Tula Where stories live. Discover now