ikaw pa rin kaya?

193 0 0
                                    

Ako'y labis na naguguluhan,
Hindi ko mawari lalo na nung ika'y aking pinagtulakan.
Labis ang aking paghihinagpis,
Marahil nagsisisi,ngayon ako'y lumuluha ng labis.

Hindi maunawaan ang sarili,
Hindi ka pinili sa takot na masaktan muli.
Ako ba'y nagiging makasarili?
Pero may nakapagsabi sa akin na unahin ko aking sarili.

Ikaw pa rin ba aking sinisinta?
Kasagutan ay di ko makita.
Sa pagpikit ng aking mga mata,
Alaala natin ay nakikita.

Kasalanan ko nga ba?
Hindi ko mawari,sa tingin ko'y ikaw parin sinta.
Hindi kita mabigyan ng pangalawang pagkakaton,
Sa takot na muli mong saktan at itapon.

Mga Tula Where stories live. Discover now