alam ko

102 0 0
                                    


alam kong hindi ako sapat,
kaya ika'y di naging tapat.
alam ko naman na ako ang mali,
pero kahit masakit ikaw parin aking pinili.

alam kong wala akong karapatan,
sapagkat ako'y hindi sapat para sa isang mayaman.
alam kong mali ang aking nararamdaman,
pero di ko parin mapigilan.

mahal,patawad,ako na ang lalayo,
patawad kung hindi tayo ang dulo.
patawad kung ako'y sumuko,
ayaw ko lamang na ika'y mabigo.

mahal, ako'y di sapat sa iyo,
ika'y mayaman at ako'y ordinaryo.
pero lagi mong tatandaan mahal ko,
na ang puso ko'y palaging nasa iyo.

Mga Tula Where stories live. Discover now