sakin ka tatagal pero sa iba ikakasal

132 0 0
                                    

ilang taon na tayong magkasama,
puso natin ay puno ng saya.
hawak mo aking kamay,
habang sinasabing 'nais kitang makasama habangbuhay'

tayo'y puno ng asaraan,
na nauuwi sa pagbabangayan.
tayo'y nagkakagalitan,
pero nagkakabati bago lumubog ang araw.

mapait akong ngumiti,
habang nakatitig sa maganda mong ngiti.
ako'y nakasuot ng puti,
habang puso ko ay unti-unting napupunit.

ikakasal kana pala,
hindi ko man lang namalayan bigla.
hindi ko ito inakala,
sapagkat sabi mo ako ang gusto mo makasama.

bakit kana ikakasal sa iba,
kinuha mo pa akong dama.
habang nakangiti mong tinanggap ang kamay,
ako naman ay maghihirap habangbuhay.

sakin ka lang tumatagal,
pero sa iba ka parin ikinasal.
ako lang ang nauna,
pero sa huli ika'y hawak na ng iba.

Mga Tula Where stories live. Discover now