tula

142 2 0
                                    

ang tulang binuo ng buong puso,
para sa ginoong tinitibok nito.
salita ay pilit pinagtugma,
katulad kung paano ko ipilit na pareho tayo ng nadarama.


ang mga letrang pilit isinaayos,
tulan ng pagpilit kong baguhin ang sarili at maayos.
kung paanong binago ko ang sarili,
nagbabasakali na iyong mapili.


ngunit ako'y magaling lang sumulat ng tula,
wala akong maipagmamalaking ganda.
kahit hindi mo man ako mapansin,
ikaw parin ang paksa at sayo parin. 


ang puso ay patuloy na dudugo,
habang binabasa ng marami ang aking nabuo.
sila'y pumapalakpak ng husto,
habang ako'y lumuluha ng patago.

Mga Tula Donde viven las historias. Descúbrelo ahora