pagkanta

327 0 0
                                    

sa aking bawat kanta na ginawa
lahat 'yon para sa iyo,sinta
ikaw ang ginawang inspirasyon
nakagawa ng kanta na ikaw ang layon.

sa bawat liriko
ikaw ang iniibig ko
handog sa iyo ang awit na ito
hindi ko kasi  masabi sa harap mo.

sa kanta ko ipapabatid
ang nilalaman ng puso, nawa'y mabatid
walang ibang nais na  hiling
sa huling sandali ikaw ay makapiling.

ang pag-ibig ay idadaan sa pagkanta
marinig mo sana ang sigaw ng puso,sinta
pintig ng puso ay naririnig na
nawa'y ito ang maging paborito mong musika.

Mga Tula حيث تعيش القصص. اكتشف الآن