02

10 5 0
                                    

Nagkulong ako sa kwarto ko ngayon habang nakatitig sa librong hawak ko. Binuklat ko iyon sa unang pahina.

OCHINAIDE

Once you fall in love, everything will be over.

Don’t fall or face the consequences?

The decision is all yours!

Ang cool! Sa unang pahina pa lang ng libro ay nakakaagaw na agad ng pansin ang nakasulat. Ang galing ni Lola.

Muli kong binuklat ang sumunod na pahina. Doon bumungad sa akin ang lalaking nasa cover nitong libro. Sa pahinang ito, nakaupo lang siya sa isang bench at nasa paligid niya ay mga halaman. May nakasulat sa ibaba ng pahinang iyon.

“Finally, after a year, I met you now.”

Pinakatitigan ko ang bulto ng lalaki. Nakapatong ang dalawang braso niya sa tuhod at nakatitig siya sa kawalan. Ang galing talaga ni Lola. Sobrang ganda ng gawa niya.

“Hello! Anong pangalan mo?” tanong ng lalaking nasa libro.

May isang babaeng balingkinitan ang katawan. Maikli ang buhok, hanggang ibabaw ng balikat niya iyon. May suot na salamin na tulad ng sa akin.

“I’m Solemn.”

Nagulat ako dahil pangalan ko rin iyon. O baka naman ako talaga ang bidang babae? Wala na bang maisip si Lola kaya ako na lang ang ginamit niyang bida? Natawa tuloy ako sa kaisipang iyon.

“Lola, kapangalan ko ang nasa librong binigay mo,” sambit ko nang maghahapunan na kami ni Lola.

Ngumiti siya sa akin. “Binasa mo na ba agad?” tanong niya naman.

Tumango ako bilang sagot.

“Ikaw talaga ang bida ro’n, apo. Ginawa ko iyon para sa ’yo,” aniya.

Nangunot ang noo ko at hindi na lang kumibo pa. Bakit kaya hindi niya na lang ginawa ang mga kwentong iyon sa writing platform para mas maraming makapagbasa? Sayang kasi ang gawa niya. Nakatambak lang ang ibang libro niya.

“Magpahinga ka na, apo. Bukas ay maglilibot tayo sa bayan,” ani Lola.

Excited na ako. Gusto kong makita ang iba pang lugar dito. Kaya naman nang matapos na ako sa mga gawain ko ay nagpasya na akong matulog para maaga rin akong magising kinabukasan.

Isang simpleng purple shirt at maong shorts ang suot ko. Alas sais pa lang ay nagising na ako. Nakapaghanda na si Lola ng almusal naming dalawa. Nakahanda na rin siya para sa alis namin ngayon.

“Kailangan na nating mamili ng mga gamit dito sa bahay. Kaya samahan mo ako,” aniya pa.

Wala namang kaso sa akin iyon. Hindi man ako sanay ay okay lang naman din sa akin kung isasama ako sa palengke o bayan. Hindi naman ako maarte.

“Lola, ikaw lang mag-isa ang namimili ng mga kailangan mo? Nakakaya mong bitbitin ang mga iyon?” kuryosong tanong ko.

Naglalakad na kami ngayon dito sa bilihan ng mga gulay. Maaga pa kaya naman nag-aayos pa ng paninda ang iba. Sa tuwing dadaan kami ay ganadong ganado na nag-aalok ang mga tao.

“Oo, apo. Kaya ko namang bitbitin ang mga iyon. Minsan naman din ay may tumutulong sa akin sa pagbubuhat,” aniya.

“Sino naman po, lola?” takang tanong ko.

Bumaling siya sa akin at ngumiti. “Si Josaiah, apo. Tinutulungan niya ako sa mga ganitong gawain,” tugon niya.

Nangunot ang noo ko. “Nasaan siya kung gano’n. He supposed to help you now. Why is he not here?” I asked.

Ochinaide (The New Version)Hikayelerin yaşadığı yer. Şimdi keşfedin