15

3 3 0
                                    

Alas kuatro ng umaga ay gising na ako. Nag-asikaso na muna ako ng sarili ko. Maaga ring nagigising sila Manang kaya ang breakfast ko ay naihahanda na nila agad. Naligo na ako at pagkatapos asikasuhin ang sarili ay nagpasya nang umalis. Six AM ang start ng klase namin kaya dapat five forty AM nasa school na ako.

“Masyado pong maaga ang pasok namin ngayon kaya maaga rin kayong nagising, Kuya Manong,” sabi ko sa driver namin.

Nagsusuklay ako ng buhok habang nasa biyahe. Five thirty pa lang naman. Saglit lang naman ang biyahe ay nasa school na ako.

“Ayos lang naman ’yon. Trabaho ko naman na ipagdrive kayo,” sagot ni Kuya Manong.

Dahil saglit lang ang naging biyahe ay agad din namang nakarating sa school. Sinabihan ko si Kuya Manong na hapon pa ako uuwi mamaya at kapag hinanap ako nila Mommy ay sabihin na lang na kasama ko si Nihannah.

Napaaga ata ako masyado dahil wala pa si Nihannah. Ang nandito lang sa room ay sila Dom na masama agad ang tingin sa akin. Ano na naman kayang problema nito?

“Get her,” utos niya sa mga kaibigan.

Agad bumakas ang takot sa akin. Hinawakan ako sa magkabilang braso ng dalawang kaibigan niya. Nilapit nila ako kay Dom na nanatiling nakaupo ngayon.

“Punung-puno na ako sa inyong mag-ina. Mas pinili talaga kayo ni Daddy kaysa sa totoo niyang pamilya,” mariing sambit niya.

Nagulat ako at naguluhan sa sinasabi niya. Hindi ko siya maintindihan. Pero may parte sa akin na parang nagkakaroon ng idea sa kung anong sinasabi niya.

“Sumama ka sa amin kung gusto mo pang makita ang kaibigan mo,” bulong niya.

Nihannah... Anong ginawa nila kay Nihannah?

Wala akong choice kundi ang sumama sa kanila. Lumabas kami ng school at sinakay nila ako sa van kasama nila. Hindi ko alam kung kaninong van ito. Pero isa lang ang nasisiguro ko, hindi ako ligtas. Lalo nang unti-unti akong mawalan ng malay dahil sa matapang na amoy sa panyong nilapat sa ilong at bibig ko.

Nagising ako na nasa isang madilim na lugar ako. Ang tanging liwanag na nanggagaling sa maliit na bintana lang ang nagsisilbing liwanag dito sa kinaroroonan ko. Nasaan ba ako? Ang huling naaalala ko ay kasama ko sila Dom.

“Gising na si Solibro,” rinig kong sabi ni Seth.

Kasama ko pa rin pala sila. Bakit nakagapos ako? Anong balak nila sa akin? Sukdulan na ba ang galit nila sa akin at kulang pa ang pambubully nila ng ilang taon kaya ngayon ay ganito na ang ginawa nila?

“Gising na pala ang anak sa labas,” nakangising sabi ni Dom.

Anak sa labas? Anong ibig niyang sabihin? At hindi ako makapagsalita dahil may busal din ang bibig ko. Bakit umabot sa ganito?

“Nagtataka ka ba sa mga sinasabi ko?” tanong niya. Tumayo siya sa harapan ko at ngumisi. “Years ago when I found out that my father cheated on my mother. At ang naging bunga no’n ay ikaw, Solibro. At alam mo ang mas nakakagalit? Mas naging pamilya pa kayo ng daddy ko kaysa sa amin ni Mommy.”

Sinikap kong magsalita pero walang saysay dahil sa busal na nasa bibig ko. Bakit hindi nila ako tanggalan ng busal para marinig nila ang mga gusto kong sabihin? Para na rin makausap ko ng maayos si Dom.

“No’ng una tanggap ko pa na may kapatid ako sa labas. Pero simula nung halos hindi na kami uwian ni Daddy, sobra sobra ’yung galit na nararamdaman ko. Sa tuwing nakikita kita, naaalala ko na iniwan niya kami para sa inyo ng mommy mo. Unfair! Sobrang unfair no’n. Kayo ’yung dapat na nakakaramdam ng pangungulila sa kaniya dahil kayo lang naman ang pangalawang pamilya. Kami ni Mommy ang tunay niyang pamilya. Kami dapat ang inuuwian niya!”

Ochinaide (The New Version)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon