13

3 3 0
                                    

Monday came and I am now preparing for my first class. Katabi ko si Nihannah, may ilang minuto pa kasi bago magsimula ang unang subject. Nagrereview kami parehas dahil major ang unang subject. Biglaan pa kung magpaquiz ang prof namin doon.

“Okay ka na ba talaga?” paninigurong tanong niya.

Tumango naman ako. Nakatuon ang atensyon ko sa notes ko at binabasa iyon ng masinsinan. Kailangang araling mabuti. Kailangan din mag-advance study dahil minsan wala sa notes namin ang mga tanong sa quiz.

“Baka mamaya niyan pinipilit mo lang sarili mo, a? Magsabi ka kung hindi pa maayos pakiramdam mo,” bakas ang pag-aalala sa tono ni Nihannah.

Tumingin ako sa kaniya at ngumiti. Alam ko namang nag-aalala lang siya sa lagay ko. Pero nasisiguro ko namang maayos na ako. Hindi na ako nilalagnat pero uminom pa rin ako ng gamot. Para lang makasiguro na hindi na talaga babalik ang lagnat ko. Hindi rin ako masyadong kumikilos para hindi ako mabinat.

“Ayos lang ako. Magsasabi ako agad kapag nakaramdam na naman ako ng kung ano,” sabi ko para matigil na siya sa katatanong sa akin.

Ilang minuto pa ang pagrereview namin at nang marinig ang pagdating ng prof ay agad namang tumayo na si Nihannah para bumalik sa pwesto niya. Inayos ko ang gamit ko at binalik iyon sa bag ko. Umayos ako ng upo at tumingin sa harapan. Para kaming mga grade one students na dapat sit properly at nakatingin sa harapan lang.

Tahimik kami. Masyado kasi talagang terror ang prof namin na ’to. Ang daming bawal kapag sa subject niya. Hinihiling nga namin na sana next year hindi na namin siya makasalamuha.

“Your new classmate has arrived.”

Nakatingin ako sa harapan. Nang pumasok ang sinabi ni Prof na bagong kaklase namin, natuon doon ang atensyon ko. Matangkad. Medyo payat, pero sakto lang ang katawan sa tangkad niya. Lalaki, at ang buhok ay parang sa mga buhok ng koreano na may bangs. Gwapo. Pamilyar sa akin ang itsura.

Nang igala niya ang tingin sa mga kaklase ko at napadako ang tingin niya sa akin, hindi niya na inalis iyon. Grabe ang kabog ng dibdib ko. Kamukhang-kamukha niya si Josaiah. ’Yung lalaking nasa libro na Ochinaide. Walang naiba sa itsura, kuhang-kuha niya bawat detalye no’n.

“Hello. Good morning. Ryo Tuazon here. Twenty years old.”

His voice is baritone. Ang manly ng boses niya. And his expression, parang masungit. Kamukha niya si Josaiah.

Ako ang naunang mag-iwas ng tingin sa amin. Hindi ako makatagal. Parang bumigat ang loob ko at pakiramdam ko nalulungkot ako. Hindi ko alam kung bakit ganito. Ang lalaking nasa harapan ay malakas ang epekto sa akin. Hindi ko maipaliwanag.

Pinayagan siya ng prof na humanap ng gusto nitong pwesto. Hindi ako tumingin sa kaniya. Pero nang tumigil siya sa gilid ko, pakiramdam ko ay napigil din ang paghinga ko. Dito siya uupo sa tabi ko?

“Is this available?” he asked.

Napuno ng katahimikan ang buong room. Na para bang kaming dalawa lang ang nandito ngayon. Na para bang amin ang mga sandaling ito. Sinikap kong tumingin sa kaniya kahit na kakaiba ang nararamdaman ko sa loob-loob ko.

“Y-yes,” mahinang sagot ko.

Binaba niya ang bag niya sa upuang nasa tabi ng upuan ko. Ang naging ingay mula sa pagkakababa niya ng bag niya ay parang naging hudyat para mabalik din ang ingay sa buong room. Parang sa isang pitik, bumalik kami sa normal na sitwasyon.

Mahihinang mga usapan ang naririnig ko sa mga kaklase ko. Ang ilan ay napapatingin pa sa gawi namin, o kay Ryo mismo. I can’t blame them for acting like this. Gwapo si Ryo. Para siyang modelo o artista. Maputi, matangkad, payat pero hindi sobra. Mukhang suplado ang itsura, makapal ang kilay at mapula ang labi. Kahit sino nga siguro ay mapapatingin sa kaniya.

Ochinaide (The New Version)Where stories live. Discover now