07

4 3 0
                                    

Hawak ko ang librong bigay ni lola noong huling bakasyon. Ang sabi niya sa akin ay naiwan ko raw ito sa kaniya at kailan lang ulit nabalik. Pinakatitigan ko ang librong may lalaki sa cover.

“Kanina ka pa nakatingin diyan,” ani Nihannah.

Si Nihannah ay naging kaibigan ko ngayong taon lang. Akala ko nga ay hindi pa rin ako titigilan nila Mica sa pambubully nila. Mabuti na lang at hindi na sila gaanong nakikielam sa akin ngayong grade nine na kami.

Kay Lola ako nagbakasyon nitong nakaraan lang. At nakita ko nga ro’n ang librong ochinaide na nawala sa akin. Weird nga dahil ang huling natatandaan ko ay nadala ko naman iyon sa amin noong umuwi ako galing sa bahay ni lola.

“Pakiramdam ko kasi may kakaiba,” mahinang sambit ko.

Pakiramdam ko may mali. Parang may kulang sa akin. Habang nakatingin ako sa librong ito, nakakaramdam ako ng bigat sa puso ko. Parang may kung anong emosyon akong nararamdaman sa tuwing nakikita ko ang lalaking nasa libro.

“Kababasa mo ’yan. Sabi ko naman sa ’yo bawasan mo ang pagbabasa ng libro, Sol. Nasosobrahan ka na,” ani Nihannah.

Ibinalik ko na lang sa bag ko ang libro. Pinilit kong alisin ang kakaibang nararamdaman ko sa loob loob ko.  Tinuon ko ang atensyon ko sa sumunod naming klase. May quiz pa pala, mabuti na lang at nakinig talaga akong mabuti kaya may naisagot ako sa mga tanong ni Ma’am.

“Gutom na ako,” ani Nihannah.

Katatapos lang ng klase namin. Vacant namin ay dalawang oras kaya pwede akong magbasa na lang ng libro pampalipas oras. Pero sa tingin ko naman ay hindi rin ako hahayaan ni Nihannah na nagbabasa lang sa isang tabi. Nagyaya siyang bumili ng pagkain namin.

“Kailan ka magpapagawa ng contact lense na may grado?” tanong niya habang naglalakad kami papunta sa cafeteria.

Inayos ko ang salaming suot ko. “Saka na. Ayos naman ang eyeglasses ko, a?”

Nasanay na rin kasi akong nakasalamin. Kapag inaalis ko ’to bago matulog sa gabi, naninibago pa ako na parang ang gaan ng mukha ko kapag walang suot na salamin.

“Pati ’yang braces mo. Ilang taon pa ba ’yang mananatili diyan?” tanong niya ulit.

Lagi niyang napapansin ang mga ito sa akin. Siya kasi ang tipo ng babae na sosyal tingnan. I mean, maganda si Nihannah at kahit hindi pa totally dalaga ay maganda na rin ang hubog ng katawan. Sikat nga ito rito sa school, ang daming manliligaw. Nagtataka pa rin ako kung paano ko siya naging kaibigan.

I’m just a nobody. She’s famous. May naririnig akong mga usapan kapag magkasama kaming dalawa. Ang iba ay sinasabing ginayuma ko raw si Nihannah.
Sinasabihan nila ako ng kung anu-ano noon pa man. Nitong naging kaibigan ko si Nihannah ay medyo tumigil na sila. Takot yata sila kay Nihannah.

“You know what, dapat matuto ka nang mag-ayos ng sarili mo, Sol. Ang ganda ganda mo naman, masyado lang natatakpan niyang glasses mo,” ani Nihannah.

Ilang beses niya na nga ring nasabi sa akin na mas okay raw sumubok ako ng mga bagay na hindi ko pa nagagawa. Dapat daw minsan magcontact lense na lang ako. Kapag may pupuntahan, subukan ko raw magdress.

“Hindi nga ako sanay. Saka na, kapag legal age na,” sagot ko naman.

Sa bawat nagdadaang mga araw, mas lalo akong nakakaramdam ng bigat sa loob ko. Nakahiga ako ngayon sa kama ko at nakatitig sa librong bigay ni Lola. Nakatingin lang ako sa book cover nito.

“Weird. Pakiramdam ko talaga may mali. Parang may kung ano akong nararamdaman kapag nakikita kita,” pagkausap ko sa lalaking nasa cover nito.

Pakiramdam ko kilala ko siya. Pakiramdam ko nakasama ko na siya. Pakiramdam ko miss na miss ko na siya. Hindi ko maintindihan ang sarili ko. Niyakap ko ang libro at pinikit ang mga mata ko. Parang kusang tumulo ang mga luha ko. Bakit ganito? Ano ba ang nangyayari sa akin?

Ochinaide (The New Version)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon