14

3 3 0
                                    

We drink and dance the whole night. Masyado naming i-n-enjoy ang birthday party ko. Halos lahat kami ay lasing. Si Nihannah ay rito na sa kwarto ko natulog. Umuwi na halos lahat ng mga kaklase at iba pang nakiparty.

“Ryo still here, Solemn. Babain mo muna, nahihilo yata,” ani Mommy.

Nakaligo na ako at balak na sanang matulog nang katukin ni Mommy ang pinto at sabihin sa akin iyon. Bakit hindi pa umuuwi si Ryo?

Wala akong choice kundi  ang bumaba at puntahan si Ryo. Nakahilig siya sa sofa at nakapikit na. Medyo nakakunot ang noo. Nahihilo raw ito sabi ni Mommy. Naparami rin yata ang inom niya.

“Ryo...” mahinang tawag ko pagkalapit ko sa kaniya.

Bahagya kong tinapik ang braso niya para gisingin siya. Pwede naman siya sa guessroom kung hindi niya na talaga kayang umuwi ngayon. Madaling araw na. Wala yata siyang dalang sasakyan. Mahihirapan pa siyang umuwi kung pipilitin niya.

“Ryo...sa guessroom ka na lang. Ipapadala ko ang damit na pamalit mo, maligo ka or at least wash yourself, para makatulog ka nang maayos,” sabi ko pa.

Idinilat niya ang mga mata. Bakas ang kalasingan sa mapupungay niyang mga mata. Inaantok na rin siya. Kailangan niya na talagang magpahinga.

“Uuwi na lang ako,” sambit niya.

Agad naman akong umiling. “Sa guessroom ka na. Mahihirapan ka kung uuwi ka pa. Sige na, dadalhin ko ro’n ang mga kailangan mo,” sabi ko naman.

Akala ko ay ipipilit niya pa ang kagustuhan niyang umuwi. Mabuti na lang at nakinig naman siya sa akin. Tumayo siya kahit na medyo matumba-tumba pa. Nakaalalay ako sa kaniya. Medyo maayos ang pakiramdam ko dahil naligo ako kanina, kaya nagagawa ko pang alalayan si Ryo ngayon.

Dinala ko siya sa guessroom. Sinabihan ko siyang hintayin ako saglit para makakuha ako ng damit pamalit niya. Pwede naman akong kumuha sa akin, may mga oversized shirt ako na pwede sa kaniya. Ang shorts ay pwede namang kay Daddy ako kumuha. May mga shorts siyang de-garter kaya pwede iyon kay Ryo.

“Uhm. Ibaba mo na lang dito sa kama ang damit mong huhubarin. Kukuhanin ko mamaya para malabhan at magamit mo ulit paggising mo.”

Nilapag ko ang pamalit niya. Tumango naman siya sa akin habang nakahawak sa ulo. Mukhang marami nga talagang nainom ito.

Lumabas ako muli sa kwarto para kumuha naman ng tubig at gamot sa kusina. May mga pain reliever naman kami rito. Minsan iyon ang iniinom ni Daddy kapag sobra din ang nainom niyang alak sa mga party na napupuntahan niya.

Pagkabalik ko sa kwarto ay wala si Ryo. Nasa cr na siya. Nasa kama ang hinubad na damit. Nilapag ko ang dala kong baso na may tubig at gamot sa side table. Makikita niya naman iyon agad kung uupo siya o hihiga sa kama. Kinuha ko ang mga hinubad niyang kasuotan. Mabilis lang din ’tong malalabhan dahil automatic naman ang washing na gamit nila Manang. Nilabhan ko na muna ang damit ni Ryo. Pagkatapos nito ay saka ako matutulog.

Nang matapos ay tinupi ko iyon ng maayos. Dapat ay didiretso na ako sa kwarto ko pero naisip ko na ilagay na rin ang kasuotan niya sa kwarto kung nasaan siya. Tapos naman na siguro siyang maligo. Marahan kong kinatok ang kwarto. Walang sumagot kaya marahan ko ring binuksan iyon. Madilim na at tanging ang ilaw sa lampshade sa side table na lang ang mayroon. Nakahiga na si Ryo at nakapikit. Binaba ko ang dala ko sa maliit na sofa na nandito. Isang sulyap pa ulit ang ginawa ko kay Ryo bago ako tuluyang umalis na ro’n.

“Ang sakit ng ulo ko!” reklamo ni Nihannah.

Kagigising niya lang. Alas onse na ng umaga. Ako ay alas nuebe nagising at nakapag-asikaso na rin naman ako. Tinanong ko si Manang kung lumabas na ba si Ryo pero ang sabi niya ay hindi pa raw kaya bumalik ako rito sa kwarto ko at naabutan ko nga itong si Nihannah na kagigising lang.

Ochinaide (The New Version)Where stories live. Discover now