17

5 3 0
                                    

Ilang araw akong pinagpahinga ng doctor. Nagbigay si Mommy ng sulat sa mga prof ko para sabihing may sakit ako at kailangan ko munang magpahinga. Pero pwede naman akong dito sa bahay mag-aral. Sinend sa akin ang mga activities at iba pang lesson para daw hindi ako mahuli sa klase. Kaya kahit nakakulong ako sa kwarto at nasa kama lang, nakatutok naman ako sa laptop at sinasagutan ang mga kailangan para sa lesson namin.

Friday ngayon, naghihintay ako ng lesson sa isang subject namin. Isa lang ang subject namin tuwing friday pero tatlong oras ang tinatagal no’n. Wala pa akong natatanggap na email kaya nakatanga ako ngayon sa harap ng laptop ko at naghihintay. Refresh ako nang refresh para kung may email man ay makikita ko agad.

Nagchat si Nihannah. Nakabukas ang facebook ko rito sa laptop kaya nagreply na ako sa kaniya. Sinabihan niya akong pupunta siya rito after ng klase. Tinanong ko pa siya kung wala bang nababanggit ang prof namin para sa email sa akin. Ang sabi niya ay mamaya raw ipapasa kapag tapos na magklase. Hindi na ako nagreply pa dahil nasa klase siya, baka pagalitan siya kapag nakitang nagpo-phone siya.

“Solemn, may dala akong lunch mo,” rinig kong sabi ni Mommy.

Ilang araw ko na rin silang hindi kinakausap ng maayos. I mean, kapag tinatanong ako o kinakausap ay tipid lang akong sumagot. Alam nilang masama ang loob ko at kailangan ko ng panahon para sa sarili ko dahil hindi madaling tanggapin ang nangyari sa akin.

Nilapag ni Mommy ang tray na may pagkain sa mini table ko. Abala pa ako sa pagtingin ng email kaya hindi ko na siya kinausap pa. Ramdam niya naman ding hindi pa ako handang makipag-usap kaya naman umalis na rin siya pagkatapos niyang ibigay ang pagkain ko.

Ala una ng tanghali nang matanggap ko ang email. Agad kong binasa iyon at sinagutan ang mga dapat sagutan. Nagbalak pa akong matulog pagkatapos no’n. Alas kuatro ako nagising dahil sa pagtunog ng phone ko at sa pagkatok sa pinto ng kwarto ko.

“Solemn!” rinig kong tawag ni Nihannah.

Nang tingnan ko ang phone ko ay tumatawag din siya. Hindi ko na sinagot ang phone, bumangon ako para buksan ang pinto. Kagigising ko lang at sabog pa ang buhok ko.

At pinagsisihan kong binuksan ko agad iyon sa ganitong ayos ko. Sa tabi ni Nihannah ay seryosong nakatingin sa akin si Ryo. Nakapamulsa pa ang dalawang kamay. Kainin na lang ako ng lupa. Nakakahiya na humarap ako sa kanila na ganito ang itsura. Sabog ang buhok ko dahil sa pagkakatulog. Wala akong kaayos ayos man lang. Hindi pa ako naliligo dahil inuna kong sagutan ang mga dapat sagutan kanina.

“Sarap ng tulog mo? Ligo ka na, gala tayo,” ani Nihannah.

“Hindi pa siya pwedeng gumala, Nihannah,” ani Ryo.

Hiyang-hiya ako. Sanay ako kay Nihannah, pero ibang usapan na kung pati si Ryo nakakita sa ganitong itsura ko.

“Ligo lang ako. Hintayin na lang ninyo ako sa sala,” sabi ko at agad sinara ang pinto.

Natampal ko ang noo ko sa sobrang kahihiyan. Mabilis akong pumunta sa closet para kumuha ng maisusuot ko. Ayaw kong paghintayin sila ng matagal. At bakit ba kasi kasama si Ryo?

Naligo ako at nag-ayos. Hindi pa ako pwedeng gumala ngayon. Pero sa Monday ay papasok  na ako. Ang buong weekend ay gagawin kong pahinga para tuluyan na akong payagang pumasok sa lunes.

“Dito na lang tayo,” ani Nihannah.

Nandito kami sa garden. May upuan at table naman dito. Since hindi nga kami makakagala, dito na lang daw sila tatambay. Nagluluto ng fries at iba pang streetfoods sila Manang. Juice pa lang ang nandito sa harapan namin.

Si Nihannah ang nagyaya kay Ryo, of course. Wala naman daw ibang gagawin si Ryo after class kaya naaya na siya ni Nihannah. Halatang galing pa nga ang mga ito sa school dahil mga nakauniform pa. Hindi na nag-abalang magpalit ng mga damit.

Ochinaide (The New Version)Where stories live. Discover now