20

7 3 0
                                    

We watched movie the whole afternoon. Natapos lang namin noong magluluto na siya for dinner. Sinigang na baboy raw ang lulutuin niya. Naiwan ako sa sofa at pinagpatuloy ang panonood habang si Ryo ay nagluluto. Naghanap ako ng iba pang pwedeng panoorin nang makatapos ako ng isang movie.

Hindi pa ako nakakapili ay biglang sumakit ang ulo ko. Parang binibiyak iyon. Sobrang sakit.

“Lola, bakit nasa ’yo ang librong binigay mo sa akin?” tanong ko.

“Nabanggit ko na iyon sa ’yo noong nandito ka. Babalik ang libro kapag lumabas ang karaktek nito,” aniya.

“Ngayong nalaman mo na ang totoo. Ang lalaking nasa libro ay muling babalik sa loob nito. Hindi pa ito ang tamang oras para sa inyo,” aniya pa.

“Sa oras na mahawakan mong muli ang librong ito, mawawala lahat ng alaala mo tungkol sa kaniya. Magiging normal ang buhay mo sa lilipas na ilang taon, at kapag muli mong nabanggit ang mga salitang dapat mong sabihin sa saktong inuulit na oras, muling babalik ang matagal na nawala.”

Ang mga sinabi ni Lola ang isa-isang pumasok sa isip ko. Maging ang mga imahe na hindi ko sigurado kung nangyari nga ba sa akin o hindi, nakikita ko ngayon sa isip ko.

Ang batang ako na binubully noon. May isang lalaking dumating at naging parte ng buhay ko. Ang kauna-unahang naging kaibigan ko. Mukha ni Ryo ang nakita ko. Walang pagbabago sa itsura niya. Kung ano siya ngayon ay iyon din ang itsura niya sa senaryo kung saan ang batang ako ang kasama niya.

“Ahh!” napasigaw na ako sa sobrang sakit ng ulo ko.

Nasasabunutan ko na ang sarili ko. May kamay na pumigil doon. Mukha ni Ryo ang bumungad sa akin. Nag-aalala ang tingin na binigay niya. Hawak ang dalawang kamay ko at iniiwas iyon sa ulo ko.

“What happened?” tanong niya, puno ng pag-aalala.

Nawala ang sakit sa ulo ko. Parang bula na nawala iyon. Napatitig ako kay Ryo.

“Tell me the truth, Ryo. Lumabas ka ba mula sa libro? Ikaw ba si Josaiah?” tanong ko.

Nakita ko ang gulat sa mga mata niya. Agad niya iyong itinago. Ngayon ay wala na akong makita na kahit anong emosyon sa mga mata niya.

“Lahat ng mga alaalang bumalik sa akin kani-kanina lang, lahat ’yon ay totoong nangyari ’di ba? Totoong nagkasama tayo ilang taon na ang nakalipas?”

Hindi siya sumagot. Gusto ko siyang itulak pero nanatiling hawak niya ang kamay ko. Sinubukan kong bawiin iyon sa kaniya pero hindi siya nagpatinag.

I saw some light in his chest again. Nag-iba ang ekspresyon sa mukha niya. Parang sobrang sakit no’n ngayon, grabe ang epekto sa kaniya nung liwanag na ’yon.

“Lola?” gulat kong sabi nang makita ko si Lola.

Paanong napunta siya rito? Nasa likuran siya ni Ryo nang mag-angat ako ng tingin. Paano siya nakapasok? At bakit hawak niya ang Ochinaide na libro? Doon lumabas si Ryo ’di ba?

Ngumiti siya sa akin. “Pasensya ka na, apo. Pero hindi natin mapipigilan ang desisyon ng libro. Muling babalik na ang karakter sa loob nito,” ani Lola.

Agad nanlaki ang mga mata ko. Napatingin ako kay Ryo na nanatiling nakahawak sa kamay ko pero nanghihina na iyon. Nagawa kong bawiin ang isang kamay ko. Ang ilaw sa dibdib niya ay mas lalong lumalakas.

“Lola, bakit naman ganito? Huwag naman po, please. Lola, mahal ko si Ryo. Ayaw ko siyang mawala,” umiiyak ko nang sabi.

Kusang kumawala ang luha sa mga mata ko. Sobra sobra ang kirot sa puso ko habang tinitingnan ko si Ryo na mas lalong nanghihina. Oh please, nagsisimula pa lang kami. Bakit ganito?

Ochinaide (The New Version)Waar verhalen tot leven komen. Ontdek het nu