Chapter 4

46.1K 2.6K 1.3K
                                    

"IKAW?!"


Gulat na sambit ni Asher nang mabistahan ang aking mukha. Napasinghap naman ako sabay luwa ulit ng aking nalulon na tubig mula sa pool.


"Anong ginagawa mo rito?" naguguluhang tanong niya. Shookt siguro pati ang semi cal niyang ulo kung bakit nandirito ako.


Tigagal naman ako sa kanya. Sa namimilog na magagandang uri ng mga mata niya. Talaga bang iniligtas niya ako? Tumalon siya sa pool para iligtas ako?!


Napatuon ang aking paningin sa palad kong nakadikit sa kanyang hubad na dibdib. Sa tulong ng liwanag mula sa villa nila, nakikita ko ang pantay niyang morenong balat.


Hindi ko na maitikom ang aking bibig. Hubad si Asher, dagdag pa na nadadama ko ngayon ang balat niya. It was odd that he was drenched, yet his body was warm. 


Tumutulo ang tubig mula sa manipis na buhok niya sa ulo, pababa sa mahahaba niyang pilikmata, sa bridge ng matangos na ilong. At pababa pa sa makinis niyang leeg, nakaumbok na lalamunan, at matigas na dibdib.


"Hoy, anong teleserye shinu-shooting niyo riyan?!" sigaw ng isa sa mga kapatid niya. Nagtawanan naman ang iba pa.


Saka ko lang naalala na hindi lang pala kami ang tao rito. Hiyang-hiya ako. Ang daming pagkakataon, sa ganitong sitwasyon pa ako nakita ng mga kuya ni Asher!


Pati ang tatay niya ay napalabas na sa villa. May hawak-hawak itong barbecue. Nang mapatingin sa amin ay napangiti. "May bisita pala ang bunso ko, bakit di ko yata 'yan napansin na pumasok sa pinto natin?"


Papikit na ako sa kahihiyan nang gumalaw sa may gilid ang mga halaman. Mula roon ay humahangos na lumabas ang isang lalaki. Si Rio. "Lai?!"


Mukhang ang lalaki ang napagsumbungan ng dalawang sutil na nagtulak sa akin kanina. Naka-pajama pa ito. Mukhang patulog na, pero bumangon para pumunta rito.


Napatanga si Rio nang makita ako sa pool kasama si Asher. "W-what the?!"


"Lai..." ulit naman ni Asher sa aking pangalan habang titig na titig sa mukha ko.


Naitulak ko siya bigla, nakalimutan ko na di nga pala ako marunong lumangoy.


Lumubog ulit ako sa tubig, nagkakawag ako. "Tulong!"


Hinila ako ni Asher sa kaliwang pulso ko at akmang iaangat nang bumulusok ang tubig sa aking likuran. May tumalon. Hindi pa nag iisang minuto nang may humatak naman sa kamay ko sa kanan.


Napasinghap ako nang umibabaw ang ulo ko sa tubig. Si Rio pala ang lumusong at humawak sa isang kamay ko.


"Let go of her," narinig kong utos ni Rio kay Asher. Basang-basa na rin ng tubig.


Gusto kong tumutol. Mas okay pa na si Asher ang mag-ahon sa akin. Mamaya kasi ay sumbatan pa ako ni Rio. Abnormal pa naman ang isang ito.


South Boys #5: Crazy StrangerTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon