Chapter 44

42.9K 3.2K 1.1K
                                    

I STILL REMEMBER YOU.


Narinig kong sabi ni Asher nang huminto ako. Ilang segundo pa bago ako lumingon sa kanya. Nakatalikod na siya. Nakapamulsang naglalakad palayo, na para bang walang nangyari. Na parang wala siyang nakakagagong ginawa.


Napakurap na lang ako nang may maramdaman ako sa aking mga paa. Pagbaba ng aking tingin ay naroon ang repolyo ko na gumulong patungo sa akin. Dinampot ko iyon kasabay ng pagtatagis ng aking mga ngipin.


Inayos ko rin agad ang aking ekspresyon. I shouldn't waste my energy on unimportant things. Pinatunog ko muna ang aking leeg bago taas-noong naglakad palabas ng mall, habang hawak sa isang kamay ang lamog na repolyo.



"ANONG NANGYARI DIYAN SA REPOLYO?!"


Sa pag-uwi ay nasa bahay na sina Tita Judy. Awang-awa ang tiyahin ko sa itsura ng inosenteng gulay. Lamog na, gula-gulanit, ay bukol-bukol pa.


Hindi ko na pinagkaabalahang sagutin ang tanong niya. Pinuntahan ko si Bobbie na kasama ang kambal na kuya sa sofa. "Hi, baby. Kumusta ang gala with Lola Judy?"


Muntik na akong mabato ng tiyahin ko ng repolyo. Mabuti at naalala niyang may mga kasama kaming bata.


"Bakit?" maang-maangan ko naman na pigil ang ngiti. "Lola ka naman na talaga ni Bobbie. Pamangkin mo kaya ako."


"Bruha!" Inirapan niya ako, pero natatawa na rin. "Shuta, lola na ba talaga ko?!"


"Bunganga mo, may mga bagets," saway ko sa aking tiyahin.


Napahagikhik si Tita Judy. "Hindi naman nakikinig, busy sila sa TV. Pero bruha ka talaga! Hindi ko matatanggap na apo iyang si Bobbie! Hindi niya ako puwedeng maging lola! Tita ay puwede pa!"


Ako naman ang muntik nang bumato ng repolyo sa kanya.


Hindi rin nagtagal ang mag-iina rito sa bahay dahil tumawag ang kanilang padre de familia. Miss na raw agad sila kahit kaka-video call lang din kagabi. Ayun, uuwi na sila sa kanila dahil magbi-video call ulit.


Nang kami na lang ni Bobbie ay tinabihan ko ang bata na nakasalampak na sa tiles habang nagbubuklat ng bago nitong mga fairytale book. "Baby, papasok ka na sa playschool!" masayang balita ko rito.


Iyon ang kinukulit sa akin ni Tita Judy. May malapit na private playschool sa subdivision nila sa Lancaster. Malapit lang din sa school ng kambal. Ang gusto ng aking tiyahin ay doon ko na rin pag-aralin si Bobbie.


Kaya naman na ng bata. Kahit noong kaka-two years old pa lang nito ay napakadaldal na, kabisado na rin ang alphabet, kaya nang magbiglang ng 1-10, alam na ang mga shapes at kulay sa rainbow. Mas gusto rin nitong magkulay, mag-drawing, kaysa manood ng TV. Nauutusan na rin sa mga simpleng pag-abot ng mga bagay-bagay.


Napayakap naman agad sa leeg ko ang malulusog nitong braso. "Thank you, Momaaa!"


South Boys #5: Crazy StrangerWhere stories live. Discover now