Chapter 47

40.2K 3.1K 1.6K
                                    

NASAAN ANG ANAK NATIN?


Anong hinahanap niya? 


"Our kid. Saan mo siya dinala?"


Kumunot ang noo ko sa kanya. "Anong nangyari sa 'yo sa barko? Okay ka lang?"


Tumaas ang isang kilay niya. "Why? Are you worried?"


Pasimple akong humalukipkip upang takpan ang aking parteng dibdib ng suot kong t-shirt, at kaswal na nagsalita. "Hindi ko alam kung bakit bumabalik ka pa rito. Wala na si Mama. Siya lang naman ang pinupunta mo dati rito."


Wala naman siyang reaksyon. Kalmado lang pati ang mga mata niya habang nakatingin sa akin.


"So wala tayong anak?" tanong niya na parang tinanong lang kung uulan ba ngayong araw.


"You want an honest answer? Here, wala kang anak sa akin."


Ang mga mata niya ay bumaba sa lupa kung saan ako nagtatanim kanina. "Ano iyan? Kinakain mo iyan?"


Sumunod naman ang tingin ko sa tinitingnan niya, doon sa mga gulay ko. Kailangan ko pa bang sagutin ang tanong niyang walang kuwenta? Alangan naman nagtanim lang ako ng gulay para pabulukin?


"Hindi ka masyadong mahilig sa gulay dati. Mas gusto mo ang processed food, 'tapos nagrereklamo ka kapag nagkaka-pimple ka."


Kumikibot ang sentido ko subalit mahinahon pa rin nang magsalita. "Wala na si Mama rito, and as you can see, busy akong tao. Mas marami akong mas dapat unahin kaysa isipin ang mga trip mo sa buhay."


Imbes sagutin ako ay ibinalik niya ang paningin sa bandang pinto ng bahay at pagkuwan ay nangunot ang kanyang noo. "Walang laman na stocks ang cupboard mo."


"What?" Saka ko naalala na naglinis nga pala ako ng mga cabinet kanina sa kusina, nakabukas pa ang mga iyon dahil pinasisingaw ko. Kitang-kita iyon dahil nakaharap sa pinto. Wala ngang mga laman, dahil hindi naman na ako bumibili ng processed food as stocks. Kadalasan ay mga herbs and spices na lang.


"Uulitin ko, wala na si Mama rito," sabi ko sa pilit na pinapahinahon pa ring tono. "It is improper for you to still come here, or to even talk to me. Hindi tayo magkaano-ano."


"Hindi magkaano-ano? Sino may sabi?" Nang ibalik niya sa akin muli ang paningin niya ay may kakaibang kislap na ang kanyang mga mata. "Nagpakasal ang tita mo at ang kuya ko. Ibig sabihin, tito mo na ako."


Kumunot ang noo ko. Ang pagtitimpi ko ay napatid na. Dinampot ko ang pangbungkal ng lupa. "Gusto mong ibaon kita?"


Humalikipkip siya habang nakangiti pa rin na akala mo'y walang narinig. "Maybe some other time. May gagawin pa kasi ako sa amin at napadaan lang talaga ako rito."


Lumakad na siya papunta sa gate, pero bago lumabas ay tumingin pa ulit sa akin. "You should call me tito now. Siguro sa sunod na magkita tayo, try mo na mag-bless sa akin. Malay mo, pagpalain ka sa buhay at makabili ka na ulit ng food stocks mo."

South Boys #5: Crazy StrangerWhere stories live. Discover now