Chapter 37

36K 2.6K 829
                                    

I SHOULD SAY SOMETHING, BUT AGAIN, I COULDN'T THINK OF ANYTHING.


Hanggang makaalis na naman si Asher ay wala man lang ako nasabi. Pang ilang beses na ba akong natatanga tuwing umaalis siya? At ano kaya ang tumatakbo sa isip niya?


Hindi ko na talaga makita iyong inosenteng teenager noon. Wala na rin iyong parang cute na aso na nakadepende sa akin ang lahat ng kilos at galaw, ginagawa ang lahat ng aking gusto at iniiwasan naman ang mga ayaw ko, at iyong sunod lang nang sunod na parang walang sariling desisyon. Wala na. He had indeed matured but in a positive way. Should I be proud?


Proud ex, ganoon?


Anyway, kinapa ko ang aking ilong kung may dugo ba. Mabuti at wala naman. Pero ganoon yata pag nagma-matured na, parang nakalunok ng English dictionary, tapos nagiging cold.


Isinara ko na ang pinto at sinilip si Mama sa itaas. Kasama nito si Ate Tentay. Tinutulungan si Mama na dumura sa hawak na maliit na planggana. "Laila, pati ang pag-ubo ay hindi na magawa ng mama mo. Naipon na ang plema niya sa lalamunan."


"Ate, ako na po ang bahala muna rito. Magpahinga muna kayo." Pinalabas ko na si Ate Tentay. Kailangan nitong makapag-relax para energized ito kapag magbabantay na ulit kay Mama mamaya.


Bukod kasi sa pagiging makakalimutin sa mga bagay-bagay ni Mama, matigas ang ulo, ay makalat din ito. Kakailanganin talaga na may lakas at mahabang pasensiya lagi ang magbabantay rito.


Pagkatapos kong linisan si Mama ay aking sinuutan na ito ng diaper. Mahihiga na kasi ito at mahirap nang bumangon ulit. Minsan pa ay hindi na ito nakapagsasabi kapag gusto nitong magbanyo. Nang makatulog na ito ay saka ko na iniwan sa kuwarto.


Para makapagpahinga si Ate Tentay ay ako na ang naglinis muna ng bahay. Doon ko na lang ito pinatambay muna sa kuwarto ni Mama, habang ako ay tumuloy na sa paglalaba ng mga damit. Hinahabol ko ang init ng araw kaya mabilis ang kilos ko para makatapos agad. Nagsasampay na ako nang mag-ring ang aking phone sa loob. Pagpasok ko ay tapos na ang pagri-ring.


Dinampot ko ang aking phone. Sa screen ay makikita ang two missed calls mula sa contact naka-save sa pangalang Israel. Sukat ay napatingin ako sa labas ng bintana, nagdidilim. Napahawak ako sa dibdib ko. Parang gut feeling, mukhang may paparating na bagyo.



INIWAN KAMI NI ATE TENTAY.


Bukas pa ang off nito pero kinahapunan pa lang ngayong Sabado ay nagpaalam na. Nakagat daw ng aso ang pamangkin. Iyon tuloy, malayo pa ang suweldo ay napabale ko na ng isang libo.


5:00 p.m. na pero ayaw pa ring bumangon ni Mama. Kahit nang magising kaninang tanghali ay hindi namin ito mapaupo. Ayaw kumain kahit anong pakikiusap namin ni Ate Tentay. Ngayon naman ay hindi pa rin ito nagmemeryenda.


"Ma, masarap po itong lugaw na luto ko." Kailangan nitong kumain para makainom ng gamot kaya kahit nakahiga ay sinubukan kong subuan. Ang saya ko naman nang ngumanga ito.


Ang kaso, pagkasubo ko kay Mama ay biglang ibinuga nito iyon sa akin. Nagdududura pa ito kaya nagkalat ang laway nito at ang mga butil ng lugaw sa kama.

South Boys #5: Crazy StrangerWhere stories live. Discover now