Chapter 16

43K 3.5K 2.1K
                                    

ALANG-ALANG SA BABY NATIN. PLEASE, 'WAG KA NA SANANG MAGALIT SA AKIN.


Namimilog ang mga mata ng pinsan kong si Rio habang nakatingin sa amin, narinig nito ang lahat, sigurado ako! Hindi na ako nagpatumpik-tumpik, bigla kong inilang hakbang ang pagitan namin ni Asher, sabay hawak sa pulso niya at hinatak siya palayo.


Tigagal pa rin si Rio habang habol ng tingin sa amin. Nang mahimasmasan ito ay nakalayo na kami.


Para namang may gulong ang mga paa ko habang hila-hila si Asher. Kung saan-saan na kami nagsususuot. Hingal-aso ako nang bitiwan ko siya.


Tumingin-tingin pa ako sa paligid dahil baka nakasunod pala sa amin ang pinsan ko, mabuti ay wala ito. Nang tingalain ko si Asher ay humihingal din siya pero mukhang masaya.


"At bakit ang saya mo? Ano sa tingin mo ang ginawa mo?!"


Nakangiti pa rin ang natural na mapupula niyang nga labi, in fact, parang pati ang pilyong mga mata ay nakangiti rin sa mga oras na ito.


"Yari ako pag nagsumbong iyon sa amin!" himutok ko.


Doon nabura ang ngiti niya. "Sino ba iyon? Akala ko ba, 'di mo kilala? Kabit mo ba iyon?"


"Pinsan ko iyon!"


"Ah..." Sukat ay napangiti na ulit siya. "Pinsan mo pala. Kaya pala magaan ang loob ko sa kanya."


Kinurot ko siya na natatawang iniwasan niya naman.


Nauna na siyang maglakad habang nangingiti pa rin. "Tara na, bili na tayo ng materials para sa project mo."


"Hmp! Kung di ka lang cute!"


Lumingon siya sa akin hanggang sa patalikod na siyang naglakad para nakikita niya ako. "Cute lang ba?"


"Cute ka lang ngayon kasi may ginawa kang kalokohan. Try mo ulit next time, baka gumuwapo ka na ulit sa paningin ko."


Sa huli ay sabay na kaming naglakad na dalawa. Sinamahan nga ako ni Asher sa paghahanap ng mga material para sa project ko.


Dahil inabot na kami ng dilim ay hindi siya pumayag na hindi ako ihatid pauwi sa amin. Oras na ng hapunan, naisipan ko na yayain na siya na pumunta sa bahay. Gusto ko na ring unti-untiin si Mama na makilala ang kanyang future mamanugangin.


Nahihiya pa si Asher noong una, pero sabi niya, mas nakakahiya raw kung hindi siya magpapakita kay Mama. Natuwa naman ako dahil kahit halatang kabado ay desidido siya. At na-appreciate ko iyon sa kanya.


"Good evening po," bati niya kay Mama pagpasok namin sa pinto.


Mahinang napa 'oh' naman si Mama. Na-shookt si Madi o Madeth Enfante Valmorida dahil ngayon lang ako nag-uwi ng 'friend' since elementary. At lalaki pa ang aking inuwi.

South Boys #5: Crazy StrangerWhere stories live. Discover now