Chapter 31

36.5K 2.6K 1.8K
                                    

ANG DAMING PAGBABAGO. 


Ganoon siguro talaga kapag nagkaka-edad ang isang tao. Nagbabago hindi lang ang pisikal na anyo, kundi pati pagkilos at pananaw. Hinuhubog ang isang tao ng kanyang mga pinagdadaanan at karanasan, kaya walang tao na maari mong husgahan sa kung sino man siya at ano man ang nagawa niya sa nakaraan.


Naglalakbay ang diwa ko. Iniisip iyong mga nagawa ko, kung bakit ko nga ba nagawa? At kung anong klaseng isip ba noon ang meron ako?


Five long years.


It had been five years since the last time I set foot in this place. My eyes couldn't help but tear up as they wandered around the tiny space that used to be my haven. Hindi na kasing ganda ng dati ang pintura, luma na rin ang tiles sa sahig, at may mga mapa na ang kisame, pero nakikita ko pa rin dito ang dati kong kuwarto.


'Leave everything.' Those were the words that Madeth Enfante Valmorida asked me five years ago. Yes, sa huli ay si Mama nga ang pinili ko.


I didn't regret choosing Mama Madi, but I admit that there were times when I couldn't help but feel a tinge of bitterness in the depths of my heart. Napapaisip pa rin ako minsan, na katulad ko ay nakaramdam din ba ng pait ang mga taong basta ko na lang iniwan noon.


Ah, ayaw ko nang isipin. Especially that man, whose name I didn't want to think about. Cavite was huge. I may never see him again.


"Anak?" Sumilip si Mama sa pinto. "Sigurado ka bang hindi mo papipinturahan ang kuwarto mo?"


Umiling ako. "Okay na ito, Ma. Ang importante naman ay nalinis na ito. Iyong kuwarto niyo na lang po ang papinturahan natin."


Ang tagal din namin ni Mama sa Manila. Kaaalis lang ng umuupa rito kaya ngayon lang kami nakabalik. Marami pang ayusin, pero titirahan na ulit namin. Lalo na't nakapagpasa na rin ako ng application sa Epza. Bukas na rin agad ang interview sa akin.


At dahil magsisimula pa lang ulit ako sa trabaho ay kailangan magtipid. Wala akong balak pagtrabahuin ulit si Mama. Siya na ang bumuhay at nagpaaral sa akin sa huling isang taon namin sa Manila. Gusto ko naman siyang magpahinga ngayong narito na ulit kami sa Cavite.


Ang malamlam na mga mata ni Mama ay kagyat na dumilim. "Ang bahay na ito na lang talaga ang kabayaran sa lahat."


Bago pa siya makapagsalita ng kung ano pa man ay niyakap at nilambing ko na siya agad. "Ma, order muna ako ng pizza! Gutom na ako!"


Nagbago na ulit ang mood ni Mama. Nakangiti na ulit siya nang sabay na kaming bumaba. Wala kaming kagamit-gamit maliban sa mga damit namin, pero at least ay may bahay kami. Amin na ang bahay na ito. Automatic fully paid noong isang taon. At tama si Mama, ang importante ay sa amin ang bahay na ito napunta.


Pagkatapos kumain ay hinatid ko na si Mama sa kuwarto niya. Hinintay ko siya na makatulog muna. Alam ko kasi na mag-iisip na naman siya ng kung anu-ano, at iyon ang iniiwasan ko.


11:00 p.m. na ako nahiga sa manipis na foam na nilatag ko sa aking kuwarto. May interview ako ng maaga bukas subalit hindi pa rin ako dalawin ng antok. Nakatihaya ako, nakatitig sa kisame, habang nakapatong ang braso sa aking noo.

South Boys #5: Crazy StrangerWhere stories live. Discover now