Chapter 48

48.2K 3K 1.1K
                                    

NITONG UMAGA LANG PAGKALAMBING-LAMBING NG IYONG MGA MATANG HAYOP KUNG TUMINGIN... ♩♬


Asher's phone began to play another song, and I blinked.


♪ ♫ Nitong umaga lang pagkagaling-galing ng iyong sumpang walang aawat sa atin.


Nananatili naman siyang nakatingin sa akin. Hindi na nga lang iyon blangko katulad nang umpisa. Ngayon ay may kung anong kislap ng masisinag sa mga mata niya. Sandali, mabalik ako, ano nga ba ang sabi niya kanina?


That I could eat everything but him? Mukha lang siyang matino pa, pero naalog na nga yata ang utak niya habang nasa dagat siya.


I chose not to just ignore his previous words. Para hindi na rin kung saan pa mapunta kapag humaba. Itinuon ko na lang ang atensyon kung paano niya nabuksan ang pinto. "Paano ka nakapasok dito?"


Doon muling sumeryoso ang mga mata niya. "I rang the doorbell five times, but no one answered."


Five times, pero hindi ako nagising? Naalala ko na anong oras na nga pala ako nakatulog at masama pa ang pakiramdam ko nang mahiga kanina.


"Inakyat ko na iyong gate para deretsong kumatok na sa pinto. I had only knocked on the door twice when I realized it wasn't locked." Pati boses niya ay mas sumeryoso. "Mag-isa ka lang dito, dapat sinisigurado mo kung naka-lock ba lahat ng pinto."


Pakiramdam ko ay namutla ulit ako. Natulog ako na hindi naka-lock ang pinto? Pinilit kong alalahanin ang ginawa bago nahiga. Gutom na gutom ako, nagbalak ako na lumabas para mamitas sa mini garden ko, nang maisip na wag na, dahil madilim pa. Pero natatandaan ko nga na umabot na ako sa pinto. Nabuksan ko ang doorknob, ang kaso ay hindi ko na maalala kung aking naisara ba ulit.


At hindi ko nga naisara. Paano na lang kung pinasok ako rito ng masasamang loob? Napasabunot ako sa aking buhok. Shit, shit! Okay lang naman dahil mag-isa lang ako rito kagabi, pero paano kung kasama ko si Bobbie?!


"It's nice to know you're concerned about your safety that much. Just make sure this won't happen again."


What? Anong sinasabi niya? Pero pinili ko na lang na wag umimik. Besides I had nothing to explain to him.


O kay bilis naman maglaho ng pag-ibig mo, sinta

Daig mo pa ang isang kisapmata

Kanina'y nariyan lang, o ba't bigla namang nawala

Daig mo pa ang isang kisapmata


Seriously, his music was getting on my nerves. It was loud, or maybe I just didn't like the lyrics. Tinigasan ko ang aking itsura at saka malamig na nagsalita, "Pakipatay iyang phone mo. Kung gusto mong magpatugtog, doon ka sa inyo."


Parang wala naman siyang narinig. Ipinagpatuloy niya na ang pagliligpit ng mga pinamili niya, habang sumisipol ng katono ng kanta.


Napahaplos ako sa aking batok na parang biglang kumirot. Kahit puyat ay feeling ko ay maha-high blood ako. Chill pa rin naman si Asher sa ginagawa. Mabilis ang kilos subalit kalmado at pulido.


Pagkalagay ng lahat sa lalagyan ay tiniklop niya na ang mga paper bag, pagkuwa'y mayamaya'y naririnig ko na mismo ang malamig at malambing na boses niya na mahinang sinasabayan na ang kanta. "Kani-kanina lang, pagkaganda-ganda ng pagkasabi mong sana'y tayo na nga. Kani-kanina lang, pagkasaya-saya ng buhay kong bigla na lamang nag-iba."


Ang boses niya na tila nanghahalina sa una, na habang tumatagal ay parang gustong magdulot ng kakaibang lungkot. "O kay bilis namang maglaho ng pag-ibig mo, sinta. Daig mo pa ang isang kisapmata. Kanina'y nariyan lang, oh ba't biglang nawala..."


South Boys #5: Crazy StrangerWhere stories live. Discover now