CME EPISODE 1

637 14 0
                                    

Pabalang kong kinuha ang damit na iniaabot ng kaibigan kong si Joy. Niyayaya ako nito sa isang masquerade party. Ayaw ko mang sumama ngunit wala akong pagpipilian, bukod sa ayokong mag-isa dito sa apartment ay ginamitan din ako nito ng kaniyang nagmamakaawang tingin.



"Wear this." Seryoso kong tinignan ang maskara na nasa kamay niya. Kulay silver iyun, sa unang tingin ko palang ay alam ko ng pinasadya niya iyun. Pinaghandaan niya ang party na ito.



"Sure ka, ayos lang 'tong suot ko? Hindi ba ako mukhang-." Sinamaan ako nito ng tingin. Muli na naman akong napahinga ng malalim saka pinagmasdan ang reflection ko sa salamin. Pinasadahan ko ang aking sarili mula sa aking mukha na may kaunting make-up at sa suot kong damit na hindi maitatangging bumagay naman sa akin. I can say na maganda akong ngayong gabi, gumanda ako ngayong gabi.

Minsan-minsan ko lamang nasasabihan ang sarili ko na maganda, dahil bilang din sa daliri ang pagkakataon na nag-ayos ako o nagsuot ng magarang damit.



Mabibigat ang paa kong tinungo ang sasakyan namin paalis. Labag na labag sa kalooban ko ang party na ito. Hindi ako mahilig makiparty at mas gugutuhin ko nalang basahin ang mga law books ko. Ang mga librong araw-araw kong kasama.



"Seriously, Erin? Hanggang dito ba naman sa sasakyan nagbabasa ka ng mga batas-batas na iyan?" Nakataas na kilay na puna sa akin ni Joy. "Tsaka, paano kaba nagkaroon ng ganiyan sa cellphone mo? For petes sake, Erin kahit ngayon lang, enjoy your life. Lagi ka nalang study. Come on, kapag naging Attorney kana, hindi mo na ito magagawa." Tanging malalim na paghinga na lamang ang naisagot ko sa mahabang sermon ng kaibigan ko.



"In the first place Joy, nagpunta ako dito sa Maynila para mag-aral. Hindi para magparty-party." Sumandal ako sa kinauupuan saka itinabi ang hawak kong cellphone.



"Kaya hanggang ngayon wala ka paring jowa? Iniisip ko nga baka hindi kapa nakakamove-on doon sa ex mo." Umirap nalang ako dito at tumahimik. "Tapos, hindi ka sasagot. Tss."



"I have the rights to remain silent, thou." Masungit kong sagot sa kaniya. Hindi ito makapaniwalang tumingin sa akin hanggang sa hindi na ito nagsalita na siyang nagustuhan ko.



"Ang daming tao, Joy." Nasa labas palang kami ay rinig ko na ang ingay ng mga tao sa loob. Sumasabay pa ang isang malakas na tugtog ng careless whisper.



"Wear your maskara, Erin." Utos nito. Agad kong isinuot ang maskarang hawak ko saka humawak sa braso ni Joy. Hindi ako sanay sa ganitong bagay kaya't natitiyak kong mawawala ako sa tabi ni Joy kapag hindi ako humawak.



"Sorry.. Sorry." Paulit-ulit kong saad sa mga taong nababangga ko. Ang bilis-bilis naman kasi maglakad ni Joy. Knowing na hindi ako sanay sa heels na suot ko at sa mga taong sumasayaw sa dance floor.



"Mag-ingat ka naman, Miss." Agad kong nilingon ang pinanggalingan ng tinig. Isang babaeng may kulay gold na maskara. Kalahati lang ng mukha nito ang natatakpan kaya't kitang-kita ko kung gaano ka-kissable ang labi nito.



"Pasensya na po." Nakamaskara man ito ay hindi nakatakas sa paningin ko ang nakakamatay na tingin nito sa akin. Mabuti nalang ang nakamaskara ako, laking tulong din ito upang hindi nito makita ang buong mukha ko, upang hindi niya ako makilala.



"Be careful next time, Miss." Huli na nang mapagtanto kong sinundan ng mata ko ang galaw ng labi nito. Kung hindi lang ito umirap ay baka hindi ako natauhan.



"Sorry ulit." Pasigaw kong saad dahil muling lumakas ang tugtog mula sa naglalakihang speaker. Hindi ko pa naigagalaw ang katawan ko upang talikuran siya ay bigla nitong hinablot ang aking braso. Malakas ang ginawang paghila nito kaya't ang lahat ng bigat ko sa katawan ay napunta sa kaniya. Mabuti nalang at mukha siyang malakas kaya't hindi kami tuluyang bumagsak.

PROFESSOR SERIES Where stories live. Discover now