FFML EPISODE 1

143 4 0
                                    

Hindi pa man ako tuluyang nakakapasok sa loob ng mansyon ni Lolo ay rinig na rinig ko na ang galit na boses nito. Agad akong binalot ng pagtataka kung ano ang dahilan kung bakit galit ang tono ng boses niya.

Nginitian ko ang gardenero nilang nakasalubong ko papasok ng bahay. Lalo akong nagtaka nang hindi ako nito tinapunan ng tingin. May dala din itong maleta. Ipinilig ko ang aking ulo saka dahan-dahang binuksan ang pintuan.

"I can't accept you us my grandson." Ang malakas at madiin na tinig ni Lolo ang bumungad sa akin. Nakatingin ito kay Kuya na nasa tabi ni Mommy. "Wala kaming lahing bakla." Muli nitong saad saka idinuro si Kuya.

"Kung ayaw niyo sa akin, hindi ko ipinipilit ang sarili ko. Mahal ko si Jion at wala kayong magagawa doon." Mahinang sagot ni Kuya. Nakita ko ang pagtiim ng bagang ni Lolo. Kung hindi lang siya hinawakan ni Daddy ay baka dumapo na ang kamao nito kay Kuya.

"Lumayas ka sa pamamahay na ito, ayokong makita ang pagmumukha mo." Matigas ang pagkakabigkas nito bago tumalikod. Saktong pagtalikod nito ay ang pagtatama ng mata naming dalawa. Galit na galit ang titig nito. Nag-bow ako sa kaniya na tinanguan niya lang bago kami tuluyang iwan.

"Dad.." Nauutal na wika ni Kuya. Nilapitan ko ito saka hinaplos ang kaniyang likod.

"Ano 'to Andrei? Anong kalokohan 'to?" Singhal ni Daddy sa kaniya.

"Dad, bakla ako." Naiiyak na saad ni Kuya Andrei. Napasapo sa noo ang Daddy saka nito tinapunan ng tingin si Kuya. Halata sa tingin nito ang pagkadismaya.

"Get out!" Mahinahon ngunit may diin ang pagkakasabi nito. Hindi makapaniwalang nilingon ni Kuya si Daddy. Umiiling-iling itong tumingin kay Mommy pero kagaya ng aking ama, bakas din sa kaniya ang pagkakadismaya. Humahagulhol si Kuyang tumungo sa kwarto niya. "Yeona" Pigil ni Daddy sa akin nang humakbang ako para sundan si Kuya. Nilingon ko lang si Daddy saka ito inilingan. I can't believe na siya mismong ama, ay hindi matanggap ang anak niya. Hindi ako makapaniwala na sila ni Mommy ay hindi kayang tanggapin ang katauhan ng anak nila. Paano nalang kapag nalaman din nilang hindi rin ako straight? Ganito din ba ang gagawin nila sa akin?

"Kuya.." Isang mahigpit na yakap ang nakuha ko kay Kuya pagkapasok ko palang ng kwarto nito. Tuloy-tuloy ang paghikbi nito. Bilang kapatid niya ay masakit sa akin ang nakikita siyang tinatakwil ng sariling magulang.

Nang makarecover si Kuya sa pag-iyak ay ipinagpatuloy nito ang pag-iimpake. Mabuti nalang ay may sarili itong condo kaya hindi na niya proproblemahin pa ang tutuluyan niya. Tanging pagbuntong hininga na lamang ang nagagawa ko habang pinapanuod siya sa ginagawa hanggang sa makalabas ito ng masyon ni Lolo.

"Yeona, balita ko sumali ka daw sa swimming?" Natigil ang pagsubo ko sa pancake nang marinig ko ang tanong ni Lolo. Don't tell me, pati ito ay isyu sa kaniya.

"Yes, Lo." Maikli kong tugon. Inilapag ni Lolo ang hawak nitong tinidor saka itinuon ang tingin sa akin.

"Hindi kaya makakaapekto yan sa pag-aaral mo? Dapat focus ka lang sa academics mo." Mariin kong ipinikit ang mata, pilit kong ikinalma ang aking sarili.

"Kaya ko pong pagsabayin." Bahagya itong natawa sa sinabi ko. Lahat kaming nasa dining table ay natahimik.

"Ganiyan din ang sinabi ng ate mo, tignan mo siya ngayon.." Wika nito saka tinapunan si Ate ng tingin. Napayuko nalang ang Ate ko. Kahit hindi nito sabihin ay alam kong nahihiya parin ito sa pagkabagsak na nangyari sa kaniya. "Yeona, huwag mong tutularan ang Ate at ang Kuya mo." Napakuyom ako ng kamao dahil dito.

"Excuse me, naalala ko may kailangan akong tapusin sa school." Agad-agad akong tumayo sa kinauupuan. Tinapunan pa ako ng tingin ni Mommy at ni Daddy. Marahil hindi nila inaasahan na ganun ang magiging sagot ko kay Lolo. Tinapik ko pa ang balikat ni Ate nang makadaan ako sa likod nito. Alam kong hanggang ngayon ay masama parin ang loob nito sa magulang ko dahil hindi man lang siya nagawang ipagtanggol ng mga ito sa panahong minamaliit siya ni Lolo dahil sa pagkakabagsak nito sa board exam.

PROFESSOR SERIES Where stories live. Discover now