TYT EPISODE 2

148 9 0
                                    

Pagod kong ibinagsak ang katawan ko sa upuan. Napagod ako kakalakad, pabalik-balik sa opisina ng Dean, may pupuntahan kasi kaming mga student council na seminar at ako ang in-charge para asikasuhin ang mga ibang detalye tungkol rito.

"Pres, tara na sa cafeteria. Hindi ka ba kakain?" Sinamaan ko ng tingin si Gibo nang umupo ito sa table ko.

"Hindi inuupuan ang lamesa, Gibo." Pagsusuway ko sa kaniya na agad niyang sinunod. Dinampot ko muli ang aking bag saka niyaya na ito papuntang cafeteria. Gutom na rin kasi ako, bukod doon ay marami pa akong aasikasuhin mamaya.

"Dein, anong sa'yo?" Agad na tanong sa akin ni Mrs. Rosario nang makita niya ako.

"Dating order, Ma'am." Ngiting sagot ko sa kaniya. Mabait si Mrs. Rosario kaya magaan ang loob ko sa kaniya, siya rin kasi ang madalas na naghahanda sa order ko dahil kabisado na niya ang mga ayaw at gusto ko sa pagkain. Nang maibigay nito ang order ko ay agad akong tumungo sa bakanteng upuan, may mga estudyante pang nag-offer na dalhin ang tray ng pagkain ko na agad ko ring tinanggihan.

Hindi pa man kami nakakapagsimula ni Gibo na kumain ay natanaw ko mula sa labas ang tatlong naggagandahang propesora. Gumawi ang mata ko kay Professor Guarin na parang walang pakialam sa mga estudyanteng bumabati sa kanila. Sa suot nito ay hindi ko maiwasang hindi siya pasadahan ng tingin. Lihim akong napangiti dahil dito.

Nang makapasok ang mga ito sa loob ng cafeteria ay inilibot nila ang tingin. Nang dumapo ang tingin ni Professor Guarin sa mesang kinaroroonan namin ni Gibo ay itinuro niya ito sa dalawang kasama niya. Batid ko na agad ang ibig sabihin nito at hindi nga ako nagkamali dahil lumakad na ang mga ito patungo sa amin.

Mabilis akong tumayo upang ipaghila ng upuan si Professor Guarin sa mismong harap ko. Pabulong ko rin itong binati saka tahimik na bumalik sa kinauupuan ko. Laking pagtataka ko nang mapansing nakatayo parin si Professor Ward at Professor Cruse, nakatingin din sila sa akin.

"May favouritism na yata si Miss Bantolino." Natatawang wika ni Professor Ward na agad sinang-ayunan ni Professor Cruse.

"Sana all pinaghihila ng upuan no, Seiki." Pang-aasar pa ni Professor Cruse na ikinatawa lalo ni Professor Ward, napansin ko ang pagtaas ng gilid ng labi ni Professor Guarin sa sinabi ng kapwa niya propesora. Habang patuloy sa pagtawa ang dalawang Professor ay nakita ko sina Star at Jill hawak ang kanilang tray ng pagkain.

"Jill." Tawag ko sa kanila na agad nilang narinig. Kabilang sila sa literary club na syang hawak ko rin. Nang makalapit ang dalawang ito sa mesa namin ay bumalik sa dating itsura sina Professor Ward at Cruse na siyang ikinasaya ng damdamin ko. Batid ko ang namamagitan sa mga ito dahil madalas magkwento sina Jill at Star sa gc naming tatlo.

"Be, bagay sa'yo yung gupit mo. Buti hindi nagalit si Mrs. Cortez diyan?" Pagsisimula ni Star ng usapan.

"Oo nga, lalo kang naging cute." Humagikhik pa si Jill na parang bata. Umiling lang ako sa kanilang dalawa. Ayoko kasing magsalita sa tuwing kumakain ako.

"Ay Dre, may irereto pala ako sa'yo." Pagsisingit rin ni Gibo. Tahimik kong inilibot ang tingin ko sa mga Propesora na kasama namin, tahimik lang ang mga ito at abala sa pagkain liban kay Professor Ward na mukhang abala sa pagtitig kay Jill. Take note, masamang pagtitig.

Binitawan ko ang hawak na utensils saka hinarap si Gibo.

"Hindi nga ako interesado." Walang buhay kong sagot ko rito.

"Saan kaba hindi interesado? Sa irereto niya o sa pagpasok sa relasyon?" Natigilan ako sa naging tanong ni Jill.aging ako ay napatanong mismo sa sarili ko. Saan nga ba? Tinitigan ko ang kanin kong hindi ko pa nakakalahati at nag-isip ng isasagot, ng tamang isasagot. Ramdam ko rin na hinihintay nila ang sagot ko.

PROFESSOR SERIES Where stories live. Discover now