CME EPISODE 3

251 14 0
                                    

Isang nakakamatay na tingin ang nakukuha ko mula kay Miss Chad. Dalawang linggo na simula nung iniwasan ko ito. At simula rin nun ay palagi siyang nakatingin ng masama sa akin.



Ilang beses ako nitong sinusubukang kausapin, mabuti nalang at magaling ako pagdating sa pag-iwas. Maging sa klase niya ay ginagawa ko ang lahat ng makakaya ko upang hindi kami magkaroon ng kahit na anong pag-uusap. Paminsan-minsan itong titingin sa akin, minsan naman ay tatayo siya sa tabi ko which is nagpapatibok ng mabilis sa magulo kong puso.



At ngayon nga ay naririto kami sa cafeteria, mula sa malayo ay ramdam ko muli ang titig nito. Pilit kong nilabanan ang sarili upang hindi iangat ang tingin, ayoko siyang makita. Ayokong magtagpo ang mga tingin naming dalawa. Hanggat kaya kong iwasan siya, hanggat kaya kong ilayo ang sarili ko ay gagawin ko. Ayokong masira ang reputasyon niya at lalong hindi ako sasaway sa batas, para sa salitang pag-ibig na iyan.



"Una na ako ha." Paalam ko kay Joy. Tumingin ito sa akin pero hindi ito nagsalita dahil abala naman ito sa pagtetext. Umiling nalang ako saka nagmadaling lumabas sa cafeteria. Dire-diretso ako sa labas ng University dahil may ipapa-photo copy ako. Mabuti nalang at hindi ganun kasakit ang sinag ng araw.



Papasok na muli ako ng University nang mahagip ng mata ko si Miss Chad. May nakayakap sa kaniyang lalake. Ngiting-ngiti ang propesora. Nang makita ko ang maaliwalas nitong mykha habang kaharap ang lalakeng iyun ay nakaramdam ako ng kirot sa puso ko. May part sa akin na gusto ko siyang hilahin palayo sa lalakeng iyun. Imbes na panuorin sila ay binilisan ko na lamang ang lakad ko bago pa nila ako makita.



"Erin." Luminga-linga ako sa paligid upang makita kung may ibang tao paba sa paligid bago ko pagtuunan ng pansin ang propesorang naglalakad na papalapit sa akin. "Sa wakas, hindi kana makakatakas. Let's talk, Erin. Tama na ang pag-iwas."



"Wala tayong dapat pag-usapan, Professor Chad." Seryosong usal ko dito. Lumungkot ang ekspresyon nito. Gusto kong bawiin yung sinabi ko dahil sa totoo lang ay ayokong nakikitang malungkot siya na ako ang dahilan.



"Meron, Erin. Let's talk about us."



"Professor, please." Mahinahon kong saad. Itinaas ko pa ang dalawang kamay ko dahil ayoko talaga. Ayoko nang ginagawa niya. "You're my Professor and I am your student." Agad akong tumalikod dahil hindi ko kayang makita ang mga mata nitong unti-unting nababalutan ng luha.



"Mahal kita, Erin." Sigaw nito na nagpatigil sa akin. Muli ko itong nilingon at nakipagtitigan sa kaniya.



"Sa milyon-milyong tao sa mundo, bakit ako Miss Chad?" Nagsisimula nang tumulo ang luha nito. "Alam mong mali, sa una palang alam mo ng mali pero ipinagpatuloy mo parin. Naisip mo ba.. maaari kang makulong dahil diyan sa lets*ng nararamdaman mo."



"Handa akong makulong, Erin." Nagulat ako sa sinabi nito. Mga katangang labis na nagpalambot sa puso ko. "Kung ikaw din lang ang magiging dahilan, handa kong ipakulong ang sarili ko. Hindi lang katawan ang makukulong sa akin, pati puso ko Erin. Sa totoo lang natatakot rin ako sa ginagawa ko, pero Erin.. mas nakakatakot ang mawala ka kaysa sa mga batas na sinusunod mo.. kaysa sa mga panghuhusgang makukuha ko sa tao."



Tuloy-tuloy sa pagtulo ang luha niya. Hindi ko na kaya. Hindi ko kayang nakikitang umiiyak siya ng dahil sa akin.



"Tama na Miss Chad." Nilapitan ko ito saka ko pinunasan ang pisngi niyang nabasa dahil sa luha. "Ayokong nakikita kitang ganito. Tulad mo ay natatakot din ako. Natatakot akong baka masaktan ka, na saktan ka nila. Kasi lalong hindi ko 'yun kakayanin."



"Don't mind them, Erin. Focus on me.. just focus on me and everything will be alright." At sa sandaling iyun, wala na akong ibang maisip kundi siya. Wala na akong ibang nakikita kundi siya. And that moment, I realized how much I adore her. How much I care for her. And how my heart melted because of her.

PROFESSOR SERIES Onde as histórias ganham vida. Descobre agora