TYT EPISODE 1

220 10 0
                                    

“Hi pres.”

“Good afternoon president Dein.”

“Hello po. Good afternoon Pres.”

Bati ng mga nadadaanan kong mga estudyante. Tanging kunot ng noo lamang ang isinukli ko sa mga ito. Yung ibang estudyante ay agad na umiwas sa dadaanan ko, ang iba ay kumaway. Yung iba ay nginigitian ako, subalit di ako nag-abalang ngitian sila pabalik. Ganito lagi ang pangyayari tuwing naglalakad ako sa hallway ng University. Umirap na lamang ako sa hangin at nagpatuloy sa seryosong paglalakad.

“Dre.” Tawag ni Gibo sa akin. Si Gibo ay ang Boybestfriend ko. “Ang bilis mo naman maglakad.” Reklamo nito nang maabutan ako.

“Paki mo.” Sagot ko.

“Napakasungit talaga.” Sambit nito.

“Alam mo Dre, bakit di ka magpaligaw ng mawala-wala yang kasungitan mo?”

Huminga ako ng malalim at iritadong tinignan ito.

“Hindi ako interesadong pumasok sa relasyon, Gibo.” Saad ko.

“Bakit?” Tanong pa nito.

Ipinikit ko ang mga mata ko at kinalma ang sarili. Ang daming tanong, nakakairita.

“I’m not interested.” Tanging sagot ko saka binilisan ang aking paglalakad. Kung maaari lang ay ayokong pinag-uusapan ang mga bagay na may kaugnayan sa pag-ibig. Hindi ko gustong nauungkat ang mga personal na bagay tungkol sa akin, tungkol sa buhay pag-ibig ko.

Mula sa kinauupuan ay nahagip ng mata ko ang tatlong professor na papasok din dito sa cafeteria. Ang tatlong Professor na ito ay kilala, hindi lang dahil sa galing nilang magturo kundi dahil na rin sa angking ganda nila. Sa kanilang tatlo ay natuon ang mata ko sa babaeng nasa gitna nila. Siya rin ang pinakamaganda sa kanilang tatlo. Si Professor Guarin.

"Can we take our sit here, Miss Bantolino." Nagulat ako nang marinig ko ang tinig ni Professor Ward. Dahil sa pag-iisip ko kay Professor Guarin ay hindi ko na namalayan na naririto na sila sa harap ko, and worst ay nakatingin silang tatlo sa akin.

Aligaga kong inayos ang gamit ko na nasa ibabaw ng mesa, maging ang pagkain ko na hindi ko pa nagagalaw.

"Good afternoon po. Yes Ma'am." Sagot ko saka tumayo upang ipaghila sila ng upuan. Ngumiti sa akin si Professor Ward at Professor Cruse, samantalang tahimik lang na umupo si Professor Guarin sa upuan na siya mismo ang naghila.

Nang makaupo sila ay sakto ring dumating si Gibo dala ang kaniyang sariling pagkain. Binati lang nito ang mga Professor na nasa harap namin. 

Tahimik kong sinimulan ang pagkain at habang kumakain ay tahimik ko ring kinalkal ang telepono ko upang bisitahin ang account ko kung saan ako nagsusulat ng mga stories. Nakangiti akong tinignan ang mga komento galing sa mga solid kong mambabasa.

"Don't use your phone, when you're eating, Miss Bantolino." Unti-unting naglaho ang ngiti ko sa labi saka dahan-dahang ibinaba ang hawak kong cellphone ng magsalita si Professor Guarin.

"I'm sorry Profes—"

"President." Naputol ang sasabihin ko dahil sa biglang pagtawag sa akin ng vice president ko. "May nagpapabigay sa'yo." Tinignan ko ang inaabot nitong tsokolate sa akin.

"Daming admirer talaga." Pagsingit ni Gibo. Siya rin ang kumuha ng chocolate na iniaabot sa akin. Sinamaan ko lang ito ng tingin, pagkatapos ay palihim na tinignan si Professor Guarin. Tumikhim ako saka binawi sa kamay ni Gibo ang chocolate at ibinalik iyun sa vice president ko.

"Next time, huwag ka ng tatanggap ng mga ganito ha." Sambit ko na ikinabigla nilang lahat. Tumayo na rin ako saka mabilis na nilisan ang cafeteria.

Dumiretso ako sa library at doon ko sinimulang gawin ang sunod kong story. Habang abala ako sa pagtitipa sa keyboard ng cellphone ko ng may padabog na nagpatong ng makapal na libro sa mesa. Hindi ko iyun pinagtuunan ng pansin dahil baka mawala sa isip ko ang binubuong kwento.

PROFESSOR SERIES Where stories live. Discover now