TYT FINALE

111 7 2
                                    

"Her heartbeat is irregular or should I say out of rhythm. This might mean a fast heartbeat or a very slow heartbeat." Tinitigan kong mabuti ang Doktorang nag-asikaso kay Seiki. Tumingin ako sa badge na nasa white coat nito. Dra. Kei Milestone. Ibinaling kong muli ang mata sa babaeng payapang nakahiga sa hospital bed. May aparato na nakakabit sa kaniya.

"It is also called palpitations, where your heart beats very hard, fast or irregular for a short period of time." Muli nitong wika saka kami tinignan isa-isa.  Kasama namin ngayon ang Ina ni Professor Guarin at ang kapatid nito.

"Please enlighten us more, Doktora." Sa wakas ay nagsalita na rin ang Ina ni Seiki. Halata sa mukha nito ang labis na pag-aalala.

"May heart disease siya, which is called Arrhythmia." Tumingin ako sa kisame ng silid upang pigilan ang paglandas ng luha sa mga mata ko. Rinig ko ang paghagulhol ng Ina ng propesora. Mula sa peripheral vision ko ay nakita kong tinitigan ako ng Doktora. "An uneven heart rhythm could cause dangerous problems like.. Alzheimer's disease, dementia, heart failure,  stroke, cardiac arrest." Tuluyang kumawala ang luha sa aking mata nang marinig ko ang mga posibleng kahinatnan ng sakit niya. Hindi maproseso at matanggap ng utak at puso ko ang lahat ng mga ito.

"Is she your girlfriend?" Pinunasan ko ang mga luhang hindi magtigil sa paglandas sa aking pisngi. Iniangat ko ang tingin sa Doktorang kausap namin kanina. "Hmm, she needs you. All you need to do is to make her happy.." Huminto ito sa pagsasalita nang makita niya ang isang babaeng nakangiting kumakaway habang naglalakad papalapit sa amin. "Gotta go, my girlfriend is here." Paalam nito saka ako mabilis na iniwan.

"Good evening po." Bati ko sa Mommy nito nang makabalik ako sa room niya. Tulog parin ito at mukhang hindi pa siya nagigising. "Gusto niyo po ba munang kumain?" Tanong ko sa Mommy nito. Tumingin ito sa akin saka inutusan na lumabas muna ang nakakabatang kapatid ni Seiki.

"Bata palang siya, alam na naming may mali sa heart niya. Hindi namin iyun pinansin kasi hindi naman madalas na umaatake. And she's healthy.." Panimula nito. Tahimik akong nakinig sa kaniya habang ang mga mata ay na kay Seiki. Pinagmamasdan ang maamong nitong itsura. "She's a good daughter and a sister.. a friend. She's good at everything. Alam kong alam na niya ang tungkol sa sakit niya, dahil ilan taon ko na itong napapansin na madalas siyang magpunta sa hospital, pero hindi ko yun inusisa sa kaniya kasi natatakot ako. Ayokong malaman kung paano siya nahihirapan. Hindi ko alam kung anong meron sa inyong dalawa pero kakapalan ko na yung mukha ko sa'yo, don't leave her. I'm begging you, don't leave my daughter." Natulala ako sa biglang pagyakap nito sa akin. Dama ko kung ano man yung nararamdaman niya, yung takot, yung pangugulila at yung sakit.

"Seiki.. Doc.." Agad akong kumilos upang tawagin ang doktor nang makitang nagmulat ng mata si Seiki. "Hey.. May masakit ba sayo? Anong nararamdaman mo?" Sunod-sunod kong tanong dito. Tipid itong ngumiti sa akin saka iginalaw ang kamay niya. Agad kong kinuha iyun upang hawakan. Ilang sandali lang ay pumasok na si Doktora Milestone, kasunod na nun ang kapatid ni Seiki. Pagkatapos i-checked ng doktora si Seiki ay agad na rin itong nagpaalam sa amin.

"Mommy.. she's my girlfriend." Mahinang usal nito. Aligaga akong napatingin sa Mommy niya na ngayo'y nakatingin na rin sa akin habang nakangiti.

"Kaya pala alalang-alala siya sayo. Ganda naman ng girlfriend mo, Anak." Pinunasan nito ang nangingilid nitong luha sa mata.

"Bagay na bagay sa pamilya natin, Mama." Hinawakan nito ang kamay ng kaniyang ina. Hindi ko mapigilan ang sariling makaramdam ng kirot. "My World, take care of my mom.. and my sister."

"Ano bang sinasabi mo, pwede naman na tayong dalawa yung mag-alaga sa kanila." Ginawaran ko ito ng matamis na ngiti. Ngumiti ito pabalik saka dahan-dahang ipinikit ang kaniyang mata.

PROFESSOR SERIES Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon