CME SPECIAL EPISODE

222 10 0
                                    

ZABI RENYSE CHAD POV

Naniniwala kaba sa love at first sight? Yung unang kita mo palang sa kaniya e, alam mong mahal mo na siya. Ako, hindi ako naniniwala. Hindi talaga— until I saw her. Until.. I met her wonderful eyes.

“Really Ris, ang dami mong inimbitahan sa party na ito.” Halos mapaos na ako kakasigaw upang marinig ng kaibigan kong si Ris ang sinasabi ko. Akala ko naman kasi ay kaming magkakakilala lang ang dadalo sa party, hindi niya sinabi sa akin na pwede palang mag-imbita ng kahit sino.

“Just enjoy the night, Zab. Para naman marelax-relax ka sa buhay.” Balik sigaw nito.

“Enjoy talaga ha, alam mong nam— Ouch.” Agad kong tinignan ang paa kong natapakan ng kung sino. Hindi naman nag-iingat. Iniangat ko ang aking tingin at nakita ko ang likod ng aligagang babae.

“Mag-ingat ka naman, Miss.” I shouted. Tumigil ito sa gitna ng nagsisiksikang tao at lumingon sa akin. Unang napansin ko ang mata niya, dahil iyun lang naman ang nakikita ko, tulad ko kasi ay nakasuot din ito ng maskara. Silver ang kulay nun na bumagay sa suot niyang dress.

Ang pagkakamangha sa kaniyang mata ay nadagdagan pa nang magsalita ito. Hindi ko alam pero ang tinig niya ay tila espesyal sa aking tainga. Tanging boses na lamang nito ang naririnig ko, tanging mata na lamang niya ang nakikita ko— tanging siya na lang.

“Oh, akala ko ba hindi ka kailanman magtuturo, anong nagpabago sa isip mo?” Ibinaba ni Ris ang hawak na libro saka umupo sa harap ko. Nang malaman nitong magtuturo na ako ay bigla nalang itong pumunta dito sa bahay ko para mag-usisa.

“Wala naman. Gusto ko lang ng bagong pagkakaabalahan.” Pagsisinungaling ko sa kaniya. Hindi ko pwedeng ikwento sa kaniya ang nangyari sa gabi nung party. Hindi pa, dahil alam kong hindi ako nito titigilan.

Pagkatapos ng gabing iyun ay agad akong nagpatulong sa kuya ko upang makilala pa si Erin. Laking pasasalamat ko nalang kasi sinabi niya sa akin ang pangalan niya kaya’t hindi ako nahirapan sa paghahanap sa kaniya.

Todo ang ngiti ko nang tuluyan kong maiapak ang paa  sa University na pagtuturuan ko. Sa University kung saan nag-aaral ang dalagang naging dahilan kung bakit nagbago ang paniniwala ko. This is it. Wala ng atrasan na magaganap. Isa lang ang goal ko sa journey na ito, Chasing Erin.

But dream is thicker than love. May mga tanong nga na, “love or career?” Hindi ganun kadali magmahal. May mga nakaharang bago mo makuha yung pagmahahal na hinahangad mo. At kapag nakuha mo na, may problema at pagsubok naman na darating. Yung tepong kailangan mong mamili between two things. At dahil nagmamahal ka, kailangan mong piliin yung bagay na makakabuti, hindi para sa sarili mo, kundi para sa taong minamahal mo.

“Still awake?” Tinig ni kuya nang pumasok ito sa kwarto ko.

“I’m studying.” Tipid kong sagot saka muling itinuon ang atensyon ko sa libro.

“Bakit mo biglang naisipang mag-law? Dati gusto mong mag-architect pero educ ang kinuha mo, tapos ngayon.. law. Ayaw mo sa mga batas na iyan ha, bakit mo pinag-aaralan?”

“Ito ang first love niya. She’s deeply inlove with laws.” Kumirot ang puso ko nang bitawan ko ang mga salitang iyun. I miss her. It’s been 3 years. Tatlong taon ko nang tinitiis ang sarili ko, ang puso ko. Hindi ko alam kung hanggang kailan pa pero kailangan ko itong tiisin, kailangan dahil para rin ito sa kaniya.

“You still love her? You really love her.”

“She’s my unforgettable goodbye, Kuya.”

Naluluha kong pinunasan ang luhang tumutulo sa aking mata. Hindi ko namalayang umiiyak na ako habang ikwenekwento sa lahat ng taong naririto sa  reception, ang kwento ng pag-ibig ko kay Erin. Ngayong araw ang kasal naming dalawa at kasalukuyang na kaming naririto sa reception upang ipagdiwang ang matagumpay naming pag-iisang dibdib.

PROFESSOR SERIES Onde as histórias ganham vida. Descobre agora