FFML SPECIAL EPISODE

158 4 0
                                    

RENSEY CHUA POV

"Can we talk?" Ito ang katagang ibinungad sa akin ni Yeona, pagdating ko sa meeting place namin. Hindi ko alam kung bakit niya gustong makipagkita. Batid nitong abala ako sa paghahanda para sa nalalapit na kompetisyon ko sa paglalangoy. Abala man ako ay hindi ko magawang tanggihan ito lalo't nasa priority list ko siya. Bilang girlfriend ay responsibilidad kong puntahan ito kahit gaano pa ako kabusy.

"Hey, meimu." Iniwas nito ang pisngi niya ng tangkain kong halikan ito. Labis akong nagtataka sa kilos niya. Hindi siya ganito. Hindi niya iyun ginagawa. "Anong pag-uusapan natin?" Sinikap kong gawing matatag ang boses ko.

"Let's end this."

"Ha?" Maikling tugon ko. Tila bumagal sa pagproseso ang utak ko sa mga salitang binitawan niya.

"Let's break up." Malamig na turan nito.

"Ba— bakit?" Nauutal kong tanong sa kaniya. Tinitigan lang ako nito bago siya tumayo.

"Basta. We should end kung anong meron tayo, Rensey. Good luck to your journey." Huling saad nito saka mabilis na nilisan ang lugar. Nang maproseso lahat ng utak ko ay agad akong tumayo upang sundan siya ngunit hindi ko na ito makita. Mukhang nakaalis na siya ng tuluyan. Bagsak ang balikat kong umupo muli saka inalala kung may nagawa ba akong mali. Ngunit, napiga ko na ang bawat sulok ng utak ko, ay wala pa rin akong maalala na pwedeng maging dahilan ng pakikipaghiwalay nito sa akin.

"Renseyy, darling." Hindi ko mabilang kung pang-ilang katok na ito ni Mommy. Kanina pa ako nito pinipilit lumabas ng kwarto upang kumain. "Come on darling, you need to eat."

Walang kabuhay-buhay kong binuksan ang pintuan ng kwarto ko, ang nag-aalalang mukha ni Mommy ang bumungad sa akin. Hinawakan nito ang balikat ko saka marahang hinaplos.

"Kung kayo talaga ang para sa isa't-isa, pagtatagpuin muli kayo ng tadhana. Magtiwala ka lang, okay. At kung talagang mahal mo siya, irerespeto mo yung desisyon niya. Saka mo na ipaglaban kapag pwede na." Binigyan ako ni Mommy ng marahang halik sa noo. Having a parents like them is such a blessing. Naiintindihan nila ang pinagdadaanan ko. Naiintindihan nila ang nararamdaman ko.

"Ate.. pwede pumasok?" Itinigil ko ang paggawa ng PowerPoint ng bagong lesson ko nang marinig ko ang tinig ng kapatid ko sa labas ng aking silid. Nang marinig nito ang pagpayag ko ay agad sumilip ang seryoso nitong mukha sa pinto. Agad din itong tumuloy saka umupo sa kama ko.

"Ate, si Ate Yeona pa rin ba?" Napatingin ako rito at seryoso itong nakatingin sa akin. Sa edad na sampu ay iba na siyang kung mag-isip.

"Bakit mo naman 'yan tinatanong, little girl?" Taas kilay kong tanong sa kaniya. Ngumiwi ito, mukhang hindi nito nagustuhan ang itinawag ko sa kaniya.

"Kasi I know where you can find her." Nanlalaki ang mata kong napatayo at napalapit sa kaniya. Binigyan ako nito ng mapaglarong ngisi dahil sa naging reaksyon ko. Kay bata-bata pa niya ay marunong na siyang manukso.

Itinigil ang pagplay ng videong sinadya kong ginawa para sa special na araw na ito. Ang video patungkol sa amin ni Yeona. Sabay-sabay na napalingon ang mga taong nasa loob ng simbahan at ako naman ay pinunasan ang luhang lumandas sa aking mata habang nakatitig sa malaking pintuan ng simbahan. Dahan-dahan itong bumubukas. Bumilis ang tibok ng puso ko sa sandaling makita ko si Yeona na nakatayo sa harap ng pintuang kabubukas lang. Suot nito ang puting wedding gown na napili naming dalawa.

Muli kong naramdaman ang pag-agos ng luha sa mata ko nang unti-unti itong humakbang papasok. Sinong mag-aakalang kami parin ang magkakatuluyan sa huli? Na kami parin pala ang para sa isa't-isa. Salamat sa kapatid ko dahil kung hindi dahil sa kaniya ay hindi ko malalaman kung saan ko muli makikita ang babaeng pinakamamahal ko. Ang babaeng pinapangarap ko.

You've reached the end of published parts.

⏰ Last updated: Nov 07, 2023 ⏰

Add this story to your Library to get notified about new parts!

PROFESSOR SERIES Where stories live. Discover now