CME EPISODE 2

318 11 0
                                    

Paulit-ulit kong ipinapasok sa kukute ko ang batas about women and their children. Ngunit sadyang pagod na ang utak ko kung kaya't kahit anong gawin ko dito ay hindi ko makuha-kuha ang tamang explanation dito.



"Erin." Sinamaan ko nang tingin si Joy. Pang-ilang tawag na ba niya ito sa akin. Maingay na nga ang cafeteria na kinaroroonan namin ay dumadagdag pa siya.



"Ano na naman ba?" Asik ko rito. May nginuso ito sa kabilang bahagi ng cafeteria. Nagtataka lamang akong tinignan ito dahil sa totoo lang ay wala akong oras sa mga kalokohan niya. "Si Professor Chad, kanina pa nakatingin sayo." Tinignan ko kung saan siya nakatingin at doon nga ay nakatitig nga sa akin ang bagong propesora. May salamin mang nakaharang ngunit parang tumatagos ang mata nito dahil sa titig sa akin.



"Alam mo be, napapansin ko lagi siyang nakatingin sayo. Kahit sa klase, sayo lang siya nakatingin. Baka gusto ka niya." Lumilinga-linga ako sa paligid namin upang masiguradong walang ibang nakarinig sa sinabi ng kaibigan ko. Nang masigurado kong wala ay sinamaan ko lalo ito ng tingin.



"Huwag ka ngang isyu Joy. Tsaka, huwag kang magsasabi ng gano'n, baka may makarinig sayo." Pagtatama ko rito.



"Hindi kaba nagtataka. Nung unang araw niya, alam na niya agad ang pangalan mo." Muli kong inalala ang araw na iyun. Dalawang linggo na iyun ngunit malinaw pa sa isip ko kung paano niya binanggit ang pangalan ko. Hindi ko itatanggi na minsan ko na ring inisip na baka kilala niya ako or baka nagkita na kami somewhere. Agad kong ininom ang natitirang tubig sa bottled mineral ko nang pumasok sa isip ko ang salitang iyun. "Huy, okay ka lang?"



"Ha, oo." Maikling sagot ko dito. "Hindi kaba gagamit ng restroom?" Pag-iiba ko nang usapan namin. Pagkatapos nitong umiling ay agad na akong tumayo at tinungo ang restroom na nasa second floor. Muli pa akong lumingon sa kabilang bahagi dahil ramdam ko ang mga matang nakasunod sa akin, at hindi nga ako nagkamali, si Professor Chad ay seryoso akong tinititigan. Nang makita nitong nakatingin ako sa kaniya ay ngumiti ito. Nakaramdam muli ako ng kakaiba, kaya dali-dali akong tumalikod at dire-diretsong umalis.



Bumilis ang tibok ng puso ko nang makalabas ako sa cubicle na ginamit ko. Si Professor Chad kasi ay mabagal na hinuhugasan ang kamay.



"Good afternoon, Miss Chad." Magalang kong saad. Seryoso itong tumingin sa akin saka umusog. Wala na rin akong sinayang na oras, nakakaramdam man ng kaba ay lumapit ako sa tabi niya upang makapaghugas na rin ng kamay.



Akala ko nang matapos na si Professor Chad sa pagpapatuyo sa kamay niya ay aalis na siya, ngunit paglingon ko sa likod ko ay naroon pa itong prenteng nakasandal sa pader habang pinapanuod ang kilos ko.



"Your hair." Nagulat pa ako nang biglang magsalita ito habang nakatingin sa buhok ko. Nang tignan ko sa salamin ang sarili ko ay nakaramdam ako ng kunting hiya. Magulo pala ang buhok ko at haggard na rin dahil sa gabi-gabing puyat. "Dapat lagi mong inaalagaan ang sarili mo, Erin." Natigil ako sa pag-iisip nang lumapit ito sa likuran ko. May mali na yata sa daloy ng dugo ko, maging ang tibok ng puso ko ay hindi na normal.



"Miss Chad?" Sambit ko sa pangalan nito nang kunin nito ang hairbrush mula sa handbag niya. Ngumiti lang ito sa akin saka niya sinimulang ayusin ang buhok ko. "Ako na Miss." Sinabunutan lang nito nang bahagya ang buhok ko dahil sa sinabi ko. Bawat dampi ng kamay niya sa aking buhok ay nagbibigay ng kakaibang reaksyon sa akin. Naghahalo na ang nararamdaman ko at hindi ko alam kung alin doon ang tama. Mula sa salamin ay pinanuod ko ang ginagawa nito. Nakangiti ito na tila sayang-saya sa ginagawa niya.



"Thankyou, Miss." Pagpapasalamat ko sa kaniya. Lumayo na rin ako dito dahil hindi kinakaya ng puso ko kapag malapit siya sa akin.



"You're welcome." Kasabay nang mga salitang iyun ang paghalik nito sa gilid ng labi ko. Hindi ko nagawang igalaw ang katawan ko hanggang sa narinig ko na lamang ang pagsara ng pintuan ng restroom. Umalis na ito at iniwan akong nakatulala, nagtataka kung bakit niya ginawa yun.

PROFESSOR SERIES Where stories live. Discover now