Chapter 3: Summon

557 110 24
                                    

THIRD PERSON'S POV
   

   
**Few hours before the attack.
  

"Before you go..." pahabol na sambit ng Sage.

"May posibilidad na magkakaroon na naman ng pangalawang atake. It's just a matter of when and how."

Bakas sa mukha ng dalawa ang pagkabigla.

"How do you know?" tanong ng babae. She's the vice president of the Higher Student Council.

"Just a hunch," the sage replied.

"Bakit 'di mo to sinabi kanina sa pagpupulong?"

The sage paused for a moment. Lumapit siya sa bintana where he can see the entire landscape of Silverleaf Academy.

"Who do you think is the enemy?" tanong niya sa dalawa.

Nagtinginan ang dalawang estudyante at parehong walang nasagot.

"That's exactly what I mean," sambit ng sage at mabilis na naglaho.

  
--

  
ALEXANDRA'S POV

Napalingon ako nang makita kong nagising na si Taryn. May iilang pasa siya sa katawan but nothing serious. She coughed and catches her breath. Wala pa ring malay si Nyla at nasa gitna pa rin kami ng winasak na dorm.

"What...?"

I can see the horror on her face nang makita niya ang sitwasyon. There's blood and body parts everywhere. It was like a horror movie with gore scenes kung saan tila minasaccre ang buong lugar.

"Lex... w-what happened?"

I immediately changed my emotion.

"U-umalis na tayo dito Taryn! S-Si Nyla buhatin natin." I am trembling. Acting like I didn't know what to do.

Mabilis naman nakarecover si Taryn at pinagtulungan naming buhatin si Nyla. We found a safe place na medyo malayo sa dorm. Nasa magubat kaming bahagi ng campus at hindi ito naabot ng atake. Sinandal namin pareho si Nyla sa puno. Wala naman siyang sugat but the impact itself must cause her a mild concussion.

"What exactly happened, Lex?"

Tulala pa rin ako at hindi tumitigil ang pag nginig ng mga kamay ko.

Biglang hinawakan ni Taryn ang dalawang balikat ko. "Lex, calm down and explain to me what happened." I like how composed she is despite the situation.

"H-Hindi ko alam. S-Sobrang bilis ng nangyari. Narealize ko nalang na nasa harap na natin si Kaizen habang pilit na sinasangga ng shield niya ang atake na mula sa taas. Umalis rin siya agad nung masiguradong safe tayo para tumulong sa iba."

Napatango siya as she carefully assessed the information that I gave her.

"Looks like the academy were invaded by monsters of different classes. I can sense their magic from here."

"A-anong gagawin natin? L-Let's find some help."

Hinawakan ni Taryn ang mga kamay ko. "Mas ligtas kayo rito lalo na't hindi pa natin alam ang kabuuang sitwasyon. Baka kumakalat na ang mga kalaban sa buong campus so I want you two to stay here." She casted a spell to both of us at naramdaman kong kumalma ako.

"I cast both recovery and protection magic to both of you. Hindi kayo makikita ng kalaban for an hour and I want you stay hidden in these woods. Babalik ako pagkatapos ng isang oras. If I can't return from then, gisingin mo si Nyla at umakyat kayo sa puno using her magic. Stay there until someone helps."

The King's ServantOnde as histórias ganham vida. Descobre agora