01: Viper

22 4 2
                                    

THAMINA

"Ah, bwesit!"

Halos bumaon na ang mga daliri ko sa keyboard ng computer habang dinedepensahan ang sarili ko.

God! ang rami ng bawas sa healthbar ko, this mage is great!

I was busy killing all the monsters here in the upper lane when someone hit me with a lightning bolt. Hindi ako makagalaw ng ilang segundo dahilan para paulanan ako ng atake ng mage na ito.

"Tama na 'yan, Thams! gumala na tayo," rinig kong sabi ni Serine dito sa tabi ko.

"Just freakin' wait okay? can't you see? I'm having a hard time here," sagot ko at muling nag-focus sa game.

"Ilang wait mo na 'yan, jusko!" reklamo niya. "Sino ba 'yang kalaban mo at nahihirapan ang isang professional player like you?" dagdag niya at naramdaman ko namang umusod siya papalapit sakin.

I quickly used Nyx's second skill which she can be invisible and increase her speed for a few seconds. Lumayo ako at dumiretso sa bush na malapit lang din sakanya. I'm not gonna run away from this, it's not in my vocabulary to run away from a fight.

Mabilis kong pinindot ang regen at biglang lumabas sa bush at tinutok sakanya ulit ang ultimate. Nagulat pa ito dahil hindi niya siguro inakalang nandito pa rin ako.

"OMG? SI BEBE SHADOW KO BA YARN?"

Napa-irap nalang ako, nakalunok ata 'to ng microphone, eh. Kahit naka-headphones ako ay rinig na rinig ko parin ang boses niya.

Hindi ito nakagalaw kaya I took it as a chance para tapusin siya. Mabilis kong pinindot ang inspire spell which makes Nyx's attacks speed up at habang umaatake siya ay dumadagdag din ang life ko.

"You're playing against the other members of Blazing Phoenix, Thamina!" dagdag niya pa at inalog-alog ang balikat ko.

"Pag ako talaga namatay dito, hindi kita sasamahan!" sigaw ko habang nakatingin parin sa computer.

"Ay sorry-sorry, sige na go on!"

Kaunti nalang at mauubos na ang life niya ng batuhin niya ako ng flameshot spell. Bahagyang umatras ang hero ko at agad siyang tumakbo papasok ng pillar nila.

Napatingin ako sa health bar ko.

Bahala na.

Mabilis ko siyang sinundan at pinasok ang pillar nila. Mas mabilis pa sa kidlat na bumawas ang life ko dahil sa damage ng binabato sakin ng pillar.

"Just die already!" it was the last thing I said bago ko siya pinana.

Viper has slain an enemy!

Tumaas ang sulok ng labi ko ng mapatay ko rin siya. Kanina pa talaga ako naba-badtrip sakanya, ako palagi yung target. Kala mo ako lang yung kalaban niya, loko-loko 'to ah.

Sunod-sunod ko ng pinatumba ang mga natitirang pillars dito sa upper lane.

I just cleared the wave of the minions ng may namataan akong kalaban na papalapit sa lane ko.

"May kalaban Thamina, may kalaban!"

Nag-boombastic side eye ako sakanya, "Nakikita ko teh, kalma," sagot ko.

I quickly went inside the bush at inabangan ito.

He was busy clearing the minions ng mabilis kong pinindot ang ultimate. Arrows rained down on him and it created a black hole causing him to be unable to move. Agad siyang naka-recover pero huli na dahil naubusan na siya ng life.

It's Playtime, Alpha! (Online Game Romance)Where stories live. Discover now