08: It's On

11 3 0
                                    

THAMINA

Lutang ako ng umuwi ng bahay. Hindi parin maalis sa isip ko ang narinig ko kanina. Gusto kong makatulong kina Tita para sa pagpapa-labas kay Lola. Kaso, ano namang gagawin ko? eh, palamunin rin lang naman ako dito.

Saglit akong nagluto ng makaka-kain ko ngayong gabi. Mag-isa ulit ako dito sa bahay kasi nga si Tita nandoon sa ospital. Matapos kong lutuin ang isang pirasong pancit canton ay agad akong naglinis ng katawan at nagbihis ng pambahay.

Pagpasok ko ng kwarto habang bitbit ang nilutong canton at isang basong tubig ay napag-isipan kong tawagan sa Serine, bakasakaling may maitulong siya sakin. I dialed her number at inilapit ito sa aking tenga ng marinig kong mag-ring ito.

"Thams!"

Bahagya kong inilayo ang cellphone dahil sa lakas ng boses niya, pamatay talaga ang boses ng babaeng 'to eh.

"Anlakas talaga ng boses mo!" wika ko.

Narinig kong humalakhak siya, "Hindi ka pa rin nasanay sakin! eh, bakit ka ba napatawag? may problema ka ba?" tanong niya.

Bumuntong-hininga ako.

"Oh, ano yang buntong-hiningang mong 'yan? what's the problem ba? nain-love ka na ba kay Blaze?" tanong niya.

Automatikong kumunot ang noo ko, "Sira! anong pinagsasabi mo diyan?"

"Nalaman ko kasi kay Maze na magkatabi kayong dalawa siyempre, mahirap kayang tanggihan ang kapogiang taglay ni Fafa Blaze," sagot niya at bahagya pang humagikhik.

Binigyan ko naman siya ng nandidiring ekspresyon kahit hindi niya naman ito makikita.

"Yuck! mandiri ka nga sa mga pinagsasabi mo diyan," wika ko.

"Asus, yuck-yuck ka diyan! at tsaka, katabi mo rin pala si Ezron crushiecakes ko tsaka si Zero. Grabe ka na talaga! haba ng hair mo abot hanggang dito oh!" ani niya pa.

Napasapo ako sa aking noo, "Ewan ko sayo, anlayo na ng pinag-uusapan natin. Pakinggan mo kasi muna ako!" inis kong sabi.

"Okay, sabi mo eh, sige you may spill the tea,"

I took a deep breath at nagsimula na ngang ikuwento sakanya mula sa pag-uusap nina Tita at Mama kanina at sa kagustuhan kong makatulong sakanila.

"Tulungan mo naman ako oh, ano bang pwedeng mapasukang raket dito?" tanong ko.

"Naku Thams, wala rin naman akong alam eh. Maliban nalang kung gusto mong mag riding-in-tandem tayo o di kaya mang-holdap diba?" sagot niya.

Napa-irap naman ako, "Yabang ng suggestion mo ah, nakatulong talaga promise,"

"Pwede rin namang ibenta mo nalang 'yang isang kidney mo, in demand din 'yan ngayon. Don't worry may isa pa naman eh, mabubuhay ka pa niyan," wika niya pa.

Jusko, pigilan niyo ko baka masakal ko 'to ng wala sa oras.

Mukhang nagkamali ako sa paghingi ng tulong sa babaeng 'to, walang matinong suggestion eh.

"Umayos ka nga, parang tanga naman 'to eh," ani ko, namomroblema na nga yung tao dito huhu.

Ilang segundo siyang natahimik, akala ko pinatay niya na yung tawag pero pagtingin ko ay nandiyan parin naman siya.

"Hello? Serine buhay ka pa ba?"

"Hell-"

"OMG! I HAVE A BRILLIANT IDEA!"

It's Playtime, Alpha! (Online Game Romance)Where stories live. Discover now