06: The Queen Bee

16 3 0
                                    

THAMINA
9:12 am

"Pogi ni Blaze 'no?"

Sumulyap ako sa babaeng nasa harapan ko. She's Maze, a new friend.

I guess.

Kanina pa putak ng putak ang bunga-nga niya habang ako naman ay nakikinig lang habang nagka-copy ng notes mula sakanya. Kinapalan ko na ang mukha kong manghingi ng notes since kakailanganin ko ito dahil mid-semester na ako lumipat, marami na akong lessons na na miss.

Did I also forgot to mention that she's also Modrad's younger twin sister? one of the members of Blazing Phoenix.

Ang liit nga naman talaga ng mundo. Kaso yung kuya niya nandoon sa second section napadpad.

"Asan ang pogi diyan? kayabangan kamo," sagot ko sa tanong niya at bahagyang sumulyap kay Blaze na naka-pokus parin sa game na nilalaro niya mula sa kanyang cellphone.

Minsan naririnig ko pa ang malulutong pero mahina niyang pag-mura.

"Basher ka talaga ni Blaze 'no? that's a first," ani niya at bahagyang humagikhik.

Hindi ko siya sinagot at nagpatuloy nalang sa pag-kopya.

"Mabait kaya 'yan, hindi lang halata because of his outside appearance na intimidating and suplado," wika niya. "Did you know during my birthday last year, he was the one who baked my cake? sarap 'non teh!" ani niya.

So he can bake?

Edi malamang, Thamina.

"He's really a good cook! halos lahat ata kaya niyang lutuin. According to Kuya, he's living alone kasi wala dito palagi yung Daddy niya nasa ibang bansa due to their family business and every summer lang umuuwi, but still his Dad is supporting him with his needs," kwento niya.

Nagkibit-balikat ako, kahit ano pang klaseng promotion ang sabihin ni Maze, it won't change the fact na mayabang siya at suplado para sakin.

"Kahit higitan niya pa si Gordon Ramsey sa pagluluto, naiinis parin ako sakanya," ani ko.

Wala akong pake kung nasa tabi ko lang siya, at least aware siyang nabi-bwesit ako sa pagmumukha niya.

"Usod ka nga, ang init-init na chaka,"

Pinandilatan ko naman 'tong kakapasok lang. Kainis talaga, pano ba naman tatlong member ng Blazing Phoenix ang nasa tabi ko. Totoo nga ang sabi ni Blaze na may nagmamay-ari na nitong upuan na inuupuan ko at si Ezron na baklitang crush ni Serine iyon. Kala ko nagjo-joke lang siya.

Kaya heto nasa gitna nila akong tatlo.

Zero — Blaze — Ako — Ezron

That's our seating arrangement.

"Hey, I said move, ang daming space diyan oh, are you deaf?"

Muli akong napatingin kay Ezron na naiinis na ata sakin. Wala naman akong magawa kundi umusod papalapit kay Blaze.

Argh! I hate this! Naiinis ako pag magka-lapit kaming dalawa, parang sasabog ang ulo ko sa galit!

Bahagya namang natawa si Maze sa reaksyon ko. Halata sigurong naiinis na din ako.

Si Zero lang ata ang maayos sa kanila. Si Ezron na maldita, si Blaze na suplado, yung Modrad na Kuya nitong si Maze nase-sense kong sira-ulo din. Idagdag mo pa si Ace na mayabang daw at maraming issue, it's a good thing na wala siya dito.

It's Playtime, Alpha! (Online Game Romance)Where stories live. Discover now