010: Partners

16 3 0
                                    

THAMINA
6:34 am

Finally! it's Friday! isang araw nalang at makakapag-pahinga na din sa wakas. Dali-dali akong naligo at nag-bihis ng uniform. Speaking of uniform, yung vest pala ni Zero.

Mabilis akong bumaba sa kwarto at kinuha ang kakalaba ko lang na vest niya mula sa sampayan. Nilabhan ko ito kagabi bago ako matulog. Nilapag ko ito sa sofa at nilagyan ng maraming perfume. Siyempre dapat mabango 'to bago ko ibalik para maka-hiram pa ako ulit, eme.

Maingat ko itong tinupi at nilagay sa bag ko. Nag-luto lang ako ng ulam at agad na kumain. Mukhang walang balak na umuwi si Tita ngayong araw.

Sinukbit ko na ang bag ko at nagpara ng taxi papuntang Northford.

"Bayad po," wika ko at ng makarating na ito sa tapat ng school.

Pinakita ko naman ang id ko sa guard at chineck rin nito ang bag ko bago ako pinapasok.

"Grabe yung game kagabi ni Viper 'no?"

"I can't believe Viper did that to Blaze! as in kay Blaze!"

"Angas nila kagabi!"

"First live palang niya si bebe Blaze agad ang kalaban!"

"Ano kaya ang reaction ni Blaze ano?"

"Sana may next game pa sila together huhu,"

Pumintig ang tenga ko ng makarinig ng halo-halong bulungan ng mga estudyanteng nakakasabay ko sa paglalakad. Napangiti ako, kahit bwesit na bwesit ako kay Blaze kagabi ay nakatulong din naman siya sa pagpaparami ng viewers ko. Maraming star ang natanggap ko kagabi and for sure malaki-laki din 'yon kapag na-convert na sa pera.

Speaking of Blaze, hindi parin ako makapaniwala na inaya niya ako ng isang game pa. Ang sabi niya mamayang gabi daw kami maglalaro ulit. Imagine? hindi manlang siya nagalit sakin kasi pinahiya ko siya? inaya niya pa talaga ako.

Kaya plano kong mag-live mamaya sa game namin kasi chance na 'yon para mas dumami ang viewers ko at makaka-ipon ako ng maraming pera.

Dire-diretso ako sa classroom, pagpasok ko ay sinalubong agad ako ng mga titig ni Blaze. Mabilis ko namang iniwas ang tingin ko at yumuko papasok.

Hilig niya talagang tumitig eh 'no?

Binigyang daan naman ako ni Ezron para makadaan ako at maka-upo sa upuan ko. Saglit akong napatingin kay Blaze na as usual walang emosyon. Mukhang hindi naman siya affected sa pagkatalo niya kahapon or ewan. Hindi ko mabasa ang nasa isip niya kaloka!

Napatingin naman kami sa pumasok dahil sobrang ingay nila.

"Sana mag-live ulit si Viper, grabe! nag-enjoy ako kagabi,"

"Oo nga huhu,"

"Ang astig siguro ng tandem nila ano? hihi,"

Dahil sa lakas ng boses nila ay narinig din iyon ng mga kaklase namin at nagsimula na ngang magbulungan tungkol doon.

Psh, asa sila na magiging tandem kami ng isang 'to. Baka nga hayaan niya lang akong mamatay eh.

"AHHHH! OMG! GRABE YUNG GAME KAGABI!"

Napangiwi ako dahil sa lakas ng tili ni Maze. Nakasunod siya sa tatlong kaklase naming kakapasok lang.

"Hoy bakla! ang ingay-ingay mo talaga!" reklamo ni Ezron.

It's Playtime, Alpha! (Online Game Romance)Where stories live. Discover now