011: Ally

14 4 0
                                    

THAMINA
5:58 pm

"Thamina, ikaw muna ang magbantay sa Lola mo bukas ah? magpapahinga lang ako," bungad ni Tita pagdating ko palang ng kwarto.

Nag-aalinlangan naman akong tumango dahil bukas din namin gagawin ang project namin. Kaso, hindi pa naman sure 'yon kasi hindi pa nagcha-chat sakin si Blaze katulad ng sabi niya sakin kaninang umaga.

Ewan ko ba kung may gana pang makipag-usap 'yon ngayon dahil sa eksena kanina sa cafeteria. Hindi na nga siya pumasok sa klase nong hapon at doon nalang daw tumambay sa dorm nila na nasa school din pala. Ngayon ko lang din nalaman na doon pala ang Blazing Phoenix nakatira mismo sa school dahil pinagawan sila doon ng mala-bahay na dorm for their preparation sa nalalapit na Inter-school Esports League, 'yan ang sabi ni Ezron sakin kanina.

Nakahiram din ako kanina ng extrang uniform kay Maze, buti nalang girls scout at palaging handa ang babaeng 'yon. Pinagmasdan ko naman si Lola na mahimbing na natutulog, hinaplos ko ng dahan-dahan ang naghahalong puti at itim nitong buhok.

Konting tiis nalang La, makakalabas ka na din dito.

"Bibili lang ako ng gamot sa pharmacy, iwan muna kita dito ah?" dagdag ni Tita at lumabas na nga ng kwarto.

Dahil naiwan akong mag-isa ay kinuha ko nalang ang cellphone ko.

Shems, wala manlang chat mula sakanya. Teka! ba't ko ba hinihintay ang chat niya?

Tange! siyempre para sa project niyo! hello?

Speaking, matutuloy pa kaya ang laro namin ngayon? Mukhang bad mood talaga ang apoy na 'yon kanina. Kasalanan niya naman kasi 'yon, ba't kasi siya nasa likod namin? charot. Kasalanan talaga 'yon ni Sabrina. Ewan ko ba sa babaeng 'yon, kinulang ata sa pansin ng mga magulang niya kaya sa school nagpapa-pansin.

"Ay kalabaw!"

Jusko.

Akala ko kung ano na, yung cellphone ko lang palang nag-vibrate. Tiningnan ko ito at speaking of apoy, nag-chat na siya!

Blaze Fièrro
We'll start tomorrow, 9 am. Dito ka na dumiretso sa school, gets?

Seen.

Wow naman, akala mo kung sino ah. Agad naman akong tumipa, sasabihin ko lang sakanya na hindi ako pwede bukas dahil babantayan ko muna si Lola.

You
Hindi ako pwede bukas eh.

Sent.

My feet continuously tapped the floor habang naghihintay sa reply niya. Kumakabog din ng mabilis ang puso ko dahil sa kaba, baka hindi niya ako payagan.

Tsk, eh ano ngayon? mas importante si Lola kesa sakanya at sa project namin so bakit ako matatakot sakanya? nanay ko ba siya?

Napalunok ako ng maramdaman ang vibration ng cellphone. Binuksan ko ito at binasa ang reply niya.

Blaze Fièrro
And why is that? sa lunes na 'yon ipapasa. Hindi sapat ang isang araw para matapos 'yon. Ano akala mo satin si Flash?

Seen.

Peste, ang sungit-sungit ng lalaking 'to. Iuntog ko ulo niya eh.

You
Babantayan ko kasi ang Lola ko dito sa hospital. Hayaan mo, ako nalang ang bahalang mamili ng mga gamit natin bukas bago ako umuwi para sa linggo ay gagawa nalang tayo.

It's Playtime, Alpha! (Online Game Romance)Where stories live. Discover now