016: His rage

11 2 0
                                    

THAMINA

His dark and menacing gace swept over the faces of every man attempting to assault me. Ang suot niya kanina ay ganoon parin ngayon. Magulo ang maitim at medyo may kahabaan niyang buhok. His jaw tightened and his fists clenched. His presence is indeed intimidating and unmistakably cold. Kahit ako ay nakaramdam ng takot.

"You think you can mess with her?" Blaze spoke, his voice is low and dangerous, sending a chill down our spines.

Nagtawanan ang mga ito dahilan para tumaas ang isang kilay ni Blaze.

Tumayo ang lalaking naka-luhod sa harap ko at hinarap si Blaze. "Huwag kang makialam dito, boy. Baka anong mangyari sayo, this doesn't concern you," wika niya.

Blaze just let out a smirk, "Oh, yes, I do."

Magaling bang makipag-away 'to? putcha! parang ako pa yung kinakabahan kesa sakanya, ah? he's not even that threatened.

Before they could react, Blaze's fists landed on the guy who mocked him. Natumba ito dahil sa lakas ng suntok ni Blaze. Napasinghap ako dahil sa bilis ng pangyayari. Hindi ko inasahan na ganoon siya kalakas manapak! Naging hudyat na din 'yon para sugudin siya ng dalawa.

I watched in awe as he effortlessly dodge all of their attacks. Akmang sisipain siya ng isa ng mahuli niya ang paa nito at buong lakas na siniko ang binti nito. Napa-sigaw ang lalaki dahil sa sakit. He was on the ground now while holding his injured leg. Sunod namang inatake ni Blaze ang isa. As he was about to punched him, someone stopped him from behind.

"Blaze!" sigaw ko ng sakalin siya ng nauna niyang sinuntok kanina.

The other guy saw it as an opportunity to attack Blaze. Tinadyakan niya ito sa tiyan dahilan para maubo siya.

Gosh!

Baka anong mangyari sakanya!

Nagpumiglas ako, kailangan kong makatulong kay Blaze. Mariin akong napapikit ng mas higpitan pa ng mokong na 'to ang paghawak sakin. I feel his nails digging in my skin. Sigurado akong mag-iiwan ito ng marka mamaya.

Tiningnan ko siya ng masama at muling binaling ang tingin kina Blaze. Halos manlumo ako ng makitang dumudugo na ang pangibabang labi niya at may sugat din siya sa ibabaw ng kanyang ilong.

"Blaze!" I called him.

His hazel eyes met my eyes. Ang lalim ng tingin niya sakin parang... parang kumukuha siya ng lakas sa paraan ng pagtitig niya. From his dark expression his lips suddenly curved into a little smile. Muli siyang napatingin sa lalaking panay ang suntok sa tiyan niya, walang ano-ano ay sinipa niya din ito dahilan para mapaatras ang lalaki. Agad niyang siniko ang lalaking sumasakal sa kanya mula sa likod dahilan para mabitawan na siya nito.

Blaze didn't let that moment pass and he striked them with power and speed. Wala pang ilang minuto ay napatumba niya na ang dalawa. Binaling niya ang atensyon sa isa na kakatayo lang. Blaze didn't mind the sweats falling from his hair down to his neck. Bumaba ang tingin ko sa mga kamao niyang nababalutan na ng dugo.

Napatingin ako sa lalaking natira. Nanlaki ang mata ko ng bumunot ito ng kutsilyo mula sa gilid ng kanyang suot na pantalon.

Bahagyang natigilan si Blaze ng makita iyon. He glanced at me before charging at the enemy. Ilang beses siyang sinusubukang saksakin ng lalaki pero sadyang mabilis ang paggalaw ni Blaze at naiilagan niya lahat ito. The guy saw an opening and attempted to stab Blaze again but Blaze caught him at ngayon ay nag-aagawan na sila ng kutsilyo!

Fuck!

Kailangan ko na siyang tulungan!

Buong lakas kong tinapakan ang paa ng lalaking nakahawak sakin. Napa-ungol naman siya sa sakit. Bahagyang lumuwag ang pagkakahawak niya sakin kaya hindi ko na 'yon pinalampas para atakihin siya.

It's Playtime, Alpha! (Online Game Romance)Where stories live. Discover now