015: Saved by Fire

9 2 0
                                    

THAMINA

"What model do you have in mind?"

Napatingin ako kay Blaze na kasalukuyang winawalis ang mga newspaper na binato ko sakanya kanina. Agad niya namang itinabi ang dustpan na laman ang mga iyon at umupo ulit sa harap ko.

I actually have an idea already. Kesyo nag-aalangan pa akong sabihin sakanya baka hindi niya magustuhan. Mukhang perfectionist at competitive pa naman 'to.

"Ewan ko, wala pa akong maisip," I reasoned out.

He sighed, "You should start thinking now, maghahapon na, wala pa tayong nauumpisahan ni isa."

Umirap ako, ba't ako lang mag-iisip? pwede namang mag-isip din siya, ah? Hindi yung nagpapa-cute lang siya diyan sa harap ko.

Arghhh!

Napakamot ako kasabay 'non ang pag-tingala ko sa kisame. We need a model for the paper machè that's easy to make but also a little bit difficult din. Sa level of difficulty at appearance kasi naka-base ang grades na ibibigay sa amin. At yung naisip ko, okay rin naman 'yon basta magawa lang namin ng maayos ang lahat ng details.

"I'm waiting for your suggestion, Thamina."

Napatingin ako sakanya na nakatingin parin sakin. He tapped his fingers on the floor while waiting for me.

I sighed in frustration, "Ikaw ba? wala ka bang idea?"

"I do, pero hinihintay ko yung sayo," sagot niya at sumandal sa paanan ng kama niya.

Bumuntong-hininga ako, aba! bahala na nga. Sasabihin ko nalang sakanya ang nasa isip ko. Kesa sa magtitigan nalang kami dito at matapos lang ang buong araw na wala kaming nagawa.

"May naisip na ako," ani ko.

Umayos siya ng upo, he seems interested.

Napalunok ako, "A-ano, what if... pusa yung gawin nating model?" sabi ko.

Nanatili parin siyang nakatingin sakin. Kahit isang emosyon wala siyang pinapakita sakin. Ni hindi nga siya kumukurap. Hindi ko alam kung okay ba sakanya o pinagtatawanan niya na ako sa isip niya.

Makalipas ang ilang segundo ay kumurap na din siya at binigyan ako ng 'seryoso ka?' look.

"Bakit? hinihingi mo ang suggestion ko diba? edi, ayan." wika ko. "Tsaka, hindi naman simpleng pusa lang ang gagawin natin eh, siyempre yung medyo mahirap din," I added and then smiled awkwardly.

Umiwas siya ng tingin, "Okay. But first, do you have a picture? for inspo." tanong niya.

Napangiti ako ng makitaan ng kaunting pag-asa na papayagan niya na ang suggestion ko ang gagawin namin. Kinuha ko naman ang cellphone ko mula sa bulsa at hinanap ang picture ng pusa na nakuha ko kahapon sa internet. When I finally saw it, agad ko itong pinakita sakanya.

Ops! Esta imagem não segue as nossas directrizes de conteúdo. Para continuares a publicar, por favor, remova-a ou carrega uma imagem diferente.
It's Playtime, Alpha! (Online Game Romance)Onde as histórias ganham vida. Descobre agora