05: First Day

11 3 0
                                    

THAMINA

"Aray!"

Argh! Bwesit na buhay 'to oh!

Inis kong hinimas ang ulo ko ng mauntog ito sa pinto ng cr. Umagang-umaga kamalasan agad, grabe. Pinunasan ko ang katawan ko sabay sulyap sa orasan. 30 minutes nalang late na ako pero heto chill lang. Ako na ata ang may pinaka-makapal na mukha sa mundo!

Binuksan ko ang aparador at agad na bumungad sakin ang uniform ng Northford. It's a white long sleeve polo na pinatungan ng maroon vest with the logo of the school on the left side at sa baba nito ay naka-lagay ang silver pin with our names engraved on it, shems sosyal.

And in the bottom part is a maroon pleated skirt na above the knee pero sakto lang naman ang ikli nito. It is also paired with black socks na above the knee din. Kinuha ko naman ito pati ang black shoes ko na nakatambay sa shoe rack at sabay itong sinuot.

Kumaripas ako ng takbo pababa ng hagdan habang naka-kabit pa ang suklay sa buhok ko. Nadatnan ko naman si Tita Avie na naghahanda ng almusal.

"Good morning po, Tita," bati ko.

Napalingon naman siya sakin at bahagyang ngumiti, "Kumain ka na Thamina, anong oras na," aniya.

Umupo na ako sa mesa at hindi ko maiwasang matakam sa pagkaing nasa harap ko. For sure, mapaparami ang kain ko nito. Hindi na ako nagpatumpik-tumpik pa at agad na nilantakan ito. After kong kumain ay agad ko ng inayos ang sarili ko at napag-isipang umalis na.

"Sure ka ayaw mong ihatid kita?" tanong ni Tita ng akmang lalabas na ako.

Umiling ako, "No need Tita, mas kailangan ka po ni Lola sa hospital," nakangiting sagot ko.

Tumango-tango naman siya, "Sige, basta mag-ingat ka ha," muling paalala niya.

"Opo, pupunta rin po ako sa hospital after school," ani ko.

Hindi ko na siya hinintay na makasagot at umalis na. Agad akong nag-bantay ng taxi at swerte namang nakasakay ako agad.

Paminsan-minsan akong sumusulyap sa relong suot ko, baka magulat nalang ako at late na pala ako. Kahiya naman na kaka-transfer ko lang tapos late na agad.

"Good morning, Ma'am," bungad sakin ng guard at muli nanamang kinalikot ang bag ko.

Napangiwi ako, nong una kong pasok dito ganyan din yung ginawa niya sakin. Mukhang may trust issues talaga tong si Kuya sakin.

Dumiretso na ako papasok after niyang i-check yung bag ko. Muli nanaman akong namangha pagkapasok ng Northford. Napakarami ng students pero hindi talaga nito mapupuno ang school, sa lawak at laki ba naman nito.

Dumaan ako sa hallway at habang naglalakad ako ay sumusunod sakin ang mga ulo at mata ng mga estudyante sabay bulungan. I knew it, nasa akin ang atensyon ng lahat ngayon.

Hindi ko sila pinansin as if ako lang mag-isa ang nasa hallway. Dumiretso ako sa shed kung saan kami magkikita ni Serine, sabay nalang daw kasi kami tutal magkatabi lang naman kami ng room.

You
Asan ka na? nandito nako.

Serine is typing...

Serine
Malapit na aq w8 lang!

Napailing ako.

Serine and her jeje typings.

Pinatay ko na ang cellphone ko at itinago ito sa bulsa ng skirt ko. I leaned to the wall habang nagku-krus ang dalawang braso. Napatingin ako sa mga estudyanteng naglalakad papunta sa kanya-kanyang classroom, meron namang ibang kumakaripas ng takbo papunta sa kung saan.

It's Playtime, Alpha! (Online Game Romance)Where stories live. Discover now