#7 Niño

17 0 0
                                    

Matagal tagal narin nang huli kong isulat, este itype, ang pang anim. Hindi ka pa ba nagsasawa sa pagbabasa nito? Ang tibay mo ah. Kinaya mo hanggang sa pito? Di kapanipaniwala.

Speaking of di kapanipaniwala, nagkalat na sa internet yung tungkol sa mga aliens. Mga ugok sila di ba? Pinag aaksayahan lang nila ng panahon ang mga bagay na hindi naman totoo. Abnormal.

Kahit hindi pa naman napapatunayan na totoo sila ay madami ng kumakalat na mga kwento tungkol sa kanila. Yung mga hindi pangkaraniwan ang anyo. Kulay abo ang balat at malaki ang ulo. Abnormal.

Kapanipaniwala ba ang ganyan? Mas maniniwala pa ako na may sumasayaw na sto. niño. Ok, nagkamali ako dun. Kunwari hindi mo nabasa yun. Pareho lang yang dalawa. Di kapanipaniwala. Abnormal.

Walang Kwentang Kwento KoWhere stories live. Discover now